Una sa Balita

Angara: Ahensiya para sa sakuna, trahedya kailangan ng ‘Pinas

0 150

MAS pinalakas at mas makapangyarihang ahensya ng gobyern­o ang kailangan ng bans­a sa mga panahon ng trahedya tulad ng naganap na malakas na paglindol nitong Lunes, na kumitil sa buhay ng walo nating kababayan, malubhang ikinasugat ng mara­ming iba pa at sumalanta sa mahahalagang imprastraktura sa ilang bayan sa Luzon.

Ito ang panawagan ngayon ni reelectionist Senator Sonny Angara kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, dulot ng natu­rang trahedya.

“Paalala ito sa atin na dapat na tayong kumilos at magtatag ng isang institusyon na malayang magpapatupad ng kanyang responsibilidad partikular sa mga krisis tulad nito,” ani Angara. “Ang ahensyang ito ang bubuo ng mga kaukulang hakbang sa pagresolba sa malubhang epekto ng natural disasters at siya ring sisiguro na maliligtas ang buhay ng mga apek­tado.”

Mababatid na noong nakaraang taon, isinulong ni Angara ang Senate Bill 1994 o ang Disaster Resilience Act, isang panukala na naglalayong magtatag ng Department of Disaster Resilience na mangunguna sa pagharap sa mga trahedya at emergency situations saan mang panig ng bansa.

Ang naturang panukala ay nananatiing nakabimbin sa Senate Committee on Nationa­l Defense and Security, bagaman naipasa na ang counterpart bill nito sa Mababang Kapulungan noon pang Oktubre nang nakalipas na taon.

Ani Angara, napa­kahalaga para sa bansa na matutukan ang sitwasyon nito sa iba’t ibang sakuna o trahedya dahil isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na madalas tamaan ng iba’t ibang kalamidad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy