Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ang yaman mo gurl: Bea, Dominic sa Spain pakakasal, titira

0 355

Ang bongga ng actress na si Bea Alonzo. Isa na siya sa mga iilang artista na may sariling bahay sa ibang bansa.

At kung ang karamihan, sa U.S. namimili ng sariling bahay nila, si Bea ay sa Spain.

“Why Madrid, you may ask? I love Spain! And because of the pandemic, naisip ko na you only live once so go for it.”

Itinapat ni Bea sa ika-100th episode ng kanyang YouTube channel ang naging revelation niya. Na hindi pala work-related ang dahilan ng pagpunta niya sa Madrid but instead, bumili ng sariling apartment.

May tatlong criteria si Bea na hinahanap sa isang apartment. Location, may 2-3 bedrooms at maraming windows. Sa anim na apartments na tiningnan niya, ang second ang nagustuhan niya mainly may elevator ang building. Nakakatuwa si Bea dahil ang isa sa main consideration niyang talaga ay kung magugustuhan ng Mommy niya at kung hindi ito mahihirapan sa pag-akyat.

Sa vlog din namin ito na-prove kung gaano pinahahalagahan ni Bea ang kanyang ina. Kahit nga raw 34 year old na siya, mas confident siya kapag nako-consult niya sa mga decision making niya ang kanyang mommy.

And speaking of her mommy, nanghingi rin ng prayer si Bea dahil magpapa-opera na raw ito at hopefully, makakalakad na on her own.

Anyway, nangako naman si Bea na sa isa sa mga episode ng YouTube niya ay magkakaroon siya ng tour ng sariling apartment.

Kaya malamang, basta may free time ang actress, hindi na lang sa kanyang farm sa Zambales ang magiging destinasyon, tiyak na lilipad ito agad sa Madrid.

Sabi nga ng mga netizen, ang yaman mo gurl, at sa Spain na raw ba sila titira ni Domini Roque?

Juday nasurpresa sa regalo ni Sharon

Kahit na sabihin pang nagluluksa ang Megastar na si Sharon Cuneta at maaaring malungkot dahil sa pagkatalo sa nakaraang election ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan sa VP race, hindi pa rin niya nakalimutan na ipadama sa kanyang “kapatid” na si Judy Ann Santos ang thoughtfulness niya.

Halata namang pinahahalagahan ito ni Juday na ipinost sa kanyang Instagram ang malaking flower arrangement na may kasamang balloons.

Sey nga ni Juday, simula raw nang magkasama sila 20 years ago na, talagang kapatid na ang naging turingan nila. At bago rin ang election, though walang openly ini-endorsed, sa palitan nila ng comments ni Sharon, malinaw na naiparating ni Juday ang pagiging silent supporter nila nina VP Leni at Sen. Kiko.

Sa caption ni Juday, sinabi niyang nasurpresa siya sa natanggap mula kay Mega.

“This huge flower arrangement ang literal na bumulaga sa paggising ko kaninang umaga. My dearest ate @reallysharoncuneta never fails to make me feel loved since day 1 for 20 years ng pagmamahalan namin bilang magkapatid… hindi man magkadugo.

“Ang respeto sa isa’t-isa, hinding-hindi maitatanggi. And what makes it more special is the handwritten note not just from ate but also from kuya @kiko,Pangilinan and all my babies. I love you ate and kuya. I’ll se you very very soon.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.