Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ang village na tinalikuran ng mga bathala

0 422

Kung paniniwalaan ang sales talk ng Sta. Lucia Realty, mala-paraiso ang manirahan sa Baybreeze Executive Village (BBEV).

“Situated in the southeastern side of Taguig City lies Bay Breeze Executive Village. Bay Breeze Executive Village by Sta. Lucia Realty is designed to promote a coastal lifestyle of privacy, security, and access to Taguig’s metropolitan center and to nature.”

Binuksan ang BBEV noong 1995, at ilang taon ding nanirahan ng matahimik at matiwasay ang mga residente. Nag-umpisang maramdaman ang pagbabago nang simulan ang C-6 road dike project noong 2007. Layunin ng proyekto na pigilan ang pagbaha sa bayan ng Taguig at Pateros.

Sa kasamaang palad, hindi isinama ang BBEV sa loob ng proteksyon ng dike; naging dahilan pa ito para tumaas ang baha sa subdivision. Lalaki daw cost ng dike kung isasama ang BBEV sa protected area, ayon sa mga oldtimer ng village. Ironically, una na silang nandito bago pa magkaroon ang C-6 road dike. Eto ang unang pagtalikod ng mga bathala.

Isa ang BBEV sa sinalanta ng Ondoy noong 2009, pero mas malala ang inabot na pinsala noong habagat 2012. Buwan ang inabot bago humupa ang tubig-baha, kaya’t nagpasko ang mga residente na napapaligiran ng tubig.

Binalikan ng mga residente ang developer na Sta Lucia Realty upang humingi ng tulong. Ayon kasi sa kumpanya, “Sta. Lucia Realty’s commitment to its homeowners and lot buyers extend to more than just delivering quality development, but also in ensuring that the facilities and amenities in these complete communities are maintained to their prime condition. Furthermore, safety and security are a constant imperative for the company as it has only the best interest of the homeowners in mind.” Ngunit naghugas kamay lamang ang kumpanya. Nasaan ang mga bathala?

SM food to go Banner Ad

Dahilan para magsampa ng reklamo ang BBEV Homeowners sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) noong 2013. Ayon sa dating president, sumunod naman ang Sta. Lucia Realty sa desisyon ng HLURB na taasan ang mga open space, ayusin ang mga kalye at magtayo ng clubhouse, basketball/tennis courts at swimming pool. Pero hindi tumalima sa pagtatayo ng perimeter dike para pigilin ang pagbaha. Muli na naman silang tinalikuran ng mga bathala.

Dumating at dumaan ang bagyong Ulysses nitong Nobyembre. Dahil wala pa ang perimeter dike, muling pumailalim sa tubig ang mga kalsada sa BBEV, kasama ang ilang mababang kabahayan, mula pa noong ika-12 ng Nobyembre. Samantalang natuyo na ang ibang lugar, nananatiling lubog sa tubig ang BBEV. Dahil sa lalim ng tubig, hindi magamit ang mga sasakyan para kumuha ng mga essential needs tulad ng pagkain, inumin, gamot, at iba pa. Mangilan-ngilang bangka lamang ang inaasahan ng mga residente, sa kabila ng pangako ng mayor ng Taguig na magpadala ng 20 bangka para masakyan at 2 bangka para sa hakot ng basura. Muling tumalikod ang mga bathala.

Sa short term, kailangan ng mga residente ng tulong ng LGU para makalabas/pasok sa village, at ng regular na rasyon ng pagkain at inumin.

Sa medium term, dapat nang itayo ang perimeter dike upang wakasan ang pagbabaha sa loob ng BBEV. Noong tapusin ang Laguna Lake Highway, hindi na sila naisama sa proteksyon ng C-6 dike.

Sa long term, dapat matuloy ang dredging ng Laguna Lake upang hindi na ito umapaw. Matatandaan na kinansela eto ng gobyerno noong 2010; disin sana ay hindi na umaapaw ang Laguna Lake.

“We don’t deserve to live this way and we need to have the government see what can be done to save our village,” ang wika ng isa sa mga 2,000+ residente ng village. Pakinggan sana sila ngayon ng mga bathala.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.