Una sa Balita

‘Ang TV’ star CJ Ramos arestado sa shabu

By
0 1,428

Swak sa kulungan ang da­ting child actor na si CJ Ramos makaraang ma­hulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust sa Quezon City.

Ang dating batang ak­tor ay nadakip sa Tandang Sora, Quezon City, kasama ang umano’y drug pusher na nakila­lang si Louvella Gilen, na siyang target ng ope­rasyon ng mga awtori­dad. Nakumpiska kay Ramos ang shabu na nagkakahalaga ng P500.

Inamin naman ng 31-anyos na aktor na si Cromell John na gumamit siya ng shabu tatlong araw na ang na­kalilipas bago siya na­aresto.

Aniya, nagsimula siyang gumamit ng droga may sampung taon na ang nakararaan, subalit tinigilan na niya ito.
“Plano kong magba­gong buhay after this. Natukso lang po talaga ako,” giit ni Ramos.

Si Ramos ay nakilala bilang cast member sa ‘Ang TV’ noong 1990. Nakasama din siya sa pelikulang ‘Tanging Yaman’, at ‘ Ang TV Movie: The Adarna Adventure’.

Nagkaroon din siya ng mga regular appea­rance sa mga Cinema­laya film, kabilang ang military film ‘Rekrut’, ‘Drug Mule’, ‘Cuchera’, at ang ‘The prison movie Posas’.

Naging emosyonal si Ramos nang madakip ng mga awtoridad at humingi ng tawad at pang-unawa sa kanyang pamilya at mga kaibigan.