Una sa Balita

Ang ‘Tamang Daan’ ni San Antonio Maria Claret

By ,
0 418

Ginugunita ng Simbahan ngayong araw ang Pista ng dakilang ‘visionary’ ng Siglo XIX, San Antonio Maria Claret (1807-1870) Pundador ng Missionary Sons of the Immaculate Heart of Mary na mas bantog sa pangalang ‘Claretian Fathers’.
 
Nanatili ang ning­ning ng masigasig na Tagapagtatag dahil sa kanyang ipinamalas na tiyaga at malalim na tiwala sa Diyos sa gitna ng mga batikos. Kahanga-hanga ang kanyang dedikasyon sa mala-bayaning pagtulong sa kapwa.

Ipinanganak sa isang pamilya ng mga manggagawa si Antonio Maria sa Catalonia, Spain. Dahil sa kasipagan at angking kakayahan sa pag-aaral maluwalha­ting nakumpleto niya ang training sa seminaryo at naging ganap na pari noong 1835.

Ninais niyang ma­ging misyonero kaya nagtungo siya sa Roma at nanirahan sa mga Heswita. Dahil masakitin, hindi niya nakayanan ang paghubog kaya bumalik na lamang siya sa kanyang bayan kung saan ibinuhos ang panahon  sa pangangalaga ng parokya. 

Matagumpay ang mga gawain ng batang kura na bihasa sa pagtuturo sa mga pari. Nakapaglathala siya ng higit sa 150 libro kasama ang kanyang obra maestra – ‘The Right Way’. Gayunman, hindi mapigilan na may mga nagalit o nainggit sa kanya. Noon pa man, laganap na ang politika sa Simbahan!
Napilitang magmis­yon si Padre Claret sa Canary Islands ngunit nagbalik siya sa Cata­lonia matapos ang isang taon. Hindi nagpadala sa ‘intriga’ ang santo, bagkus kasama ang ilang pari, binuo niya ang isang religious congregation.
‘Di kalaunan, nahirang siya bilang Arsobispo ng Santiago, Cuba. Masipag niyang pinamahalaan ang kanyang nasasakupan, masigasig na nilabananan ang pag-aalipin at inayos ang pagsasama ng mga taong hindi pa kasal sa Simbahan.
May nagalit na naman sa kanyang dedikasyon bilang Obispo at humntong ito sa tankang pagpatay kanya. Dahil rito, pinabalik siya sa Spain upang magsilbing personal na tagapagkumpisal ni Reyna Isabela II na naging katuwang niya sa pagtulong sa mahihirap at pagtataguyod sa kapakanan ng mga grupong relihiyoso.

Related Posts

Nang mapatalsik ang reyna at ipinatapon sa France, na-house arrest naman siya sa Cistercian Mo­nastery ng Fonfroide kung saan binawian siya ng buhay sa edad na 63. Bago tuluyang namatay, nakatulong pa siya sa paghahanda para sa First Vatican Council. 

Hanggang sa kahuli-hulihan naging abala ang alagad ng Diyos sa mga bagay na makakatulong sa kapwa. Puri ng Simbahan “Anthony was a man of vision who realised that the ministry of the ‘tongue’ should go hand in hand with the mInistry of the ‘press’” 

Hamon sa lahat ng mga Kristiyano, giit ng Simbahan, ang ehemplo ng santo sa walang pagod na pagsaliksik ng lahat ng oportunidad upang ipangaral ang Mabu­ting Balita – “so that God may be known, loved and served!” (St. Anthony Mary Claret)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy