Una sa Balita

ANG SARAP MO, ROXANNE!

By
Roxanne Barcelo
0 50

Ginusto mang itago, pero lutang na lutang pa rin ang alindog ni Roxanne Barcelo.

Alindog na matagal na panahon din niyang ikinahon, itinago, dahil noon nga, ibang-iba ang image ni Roxanne.

Si Roxanne noon, dapat tahimik lang, mahinhin, madalas umiyak sa interview, madalas kumanta, masayahin paminsan-minsan, pero emotional, at konserbatibo.

Pero biglang-bigla nga, sa paglipas ng panahon, boom, nag­hubad ang dati-rati ay mahinhin na dalagita. Paulit-ulit ngang nasilayan ang kaseksihan niya sa men’s magazine.

Ang hubog ng kanyang katawan ay na­ging sentro ng mata ng mga kalalakihan. Pantasya ng mga barako, na hanggang sa pana­ginip ay dala-dala nila.

Sa ngayon, normal mo na lang na mababasa ang mga komento ng mga barako sa social media ni Roxanne na ‘boner alert’, ‘ang sarap mo’ ‘ang hot mo’ at kung anu-ano pa.

Kung noon siguro, iniyakan na ni Roxanne ang mga ganiyang komento. Pero, iba na nga ngayon si Roxanne. Palaban! At higit sa lahat, baklang-bakla!

Sa pelikula nila ng boyfriend niyang si Will Devaughn, ang I Found My Heart In Santa Fe, na dinirek ni Bona Fajardo, at prodyus ng BluArt Productions, pahap­yaw ngang ipinasilip ni Roxanne ang alindog na inaasam sa kanya ng mga kalalakihan.

“Wholesome ang movie. Gusto naming marami makapanood. Kapag tinodo natin ang pagpapa-sexy, sayang naman. Pero, may mga pahapyaw lang na tinuruan ako ng mga bakla roon, na ‘O baks, mag-tanga ka, i-high waist mo na ang bikini mo.

“Pero, wala talagang pa-OOTD na mga swimsuits. Isang bonggang pa-intro lang. Isang pasingit lang na very light. Parang pang-beaucon!” baklang-baklang tsika ni Roxanne.

Eh, ang boyfriend niyang si Will, may pabukol ba?

“Wala akong pang pa-trunks. Sa part 2 siguro may pa-trunks na ako,” sagot ni Will.

“Pero, may pa-santol naman siya. Charing! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawang-tawa na hirit ni Roxanne.

Alam ba ni Will ang pa-santol (read: bukol na ga-santol sa loob ng trunks)?
“Hindi niya alam. Bago `yan sa kanya!”

Bangkok ba ang santol?

“Check niyo na lang muna! Ha! Ha! Ha! Ha!” tila bakla pa ring sagot ni Roxanne.
Bakla ba ang karakter mo sa I Found My Heart In Santa Fe?

“Walang acting `yon. Parang ‘pag nag-cut si Direk, ‘yun na po ako. Ako talaga si Jennifer na ayaw na magmahal, pagod na magpaloko sa lalake.

“Pero ganito talaga ako, na baklang-bakla. I’m so happy na hinayaan ako ni Direk Bona sa mga gusto ko sabihin. Hindi nila kina-cut ang mga ginagawa ko. Hindi na ako nahiya na maging bakla. Kasi `yun naman po talaga ako. Bakla talaga.

“Ang language ko, bakla talaga. Dinagdagan lang ng konting accent, kasi taga-Santa Fe talaga ang character ko,” sey ni Roxanne.

Siyanga pala, sa trailer pa lang ng movie nila, makikita mo na agad na mistulang paraiso talaga ang Santa Fe (Cebu) na lokasyon nila. At sa ganda ng lugar, hindi ba sila naengganyong gumawa ng something meaningful?

“Wala kaming oras. Ha! Ha! Ha! Ha!” tsika ni Will.
Pero, pareho silang dalawa na na-in love nga raw sa Santa Fe.

“First time ko na nakapunta roon. Honestly, para siyang Boracay 30 years ago. Virgin island to the max. Wala pang malala­king restaurant. Very virgin. Napakaganda!

“Mas virgin pa sa pores ng fetus, ganun kaganda ang lugar na Santa Fe. Ha! Ha! Ha!
“Sobrang virgin talaga. Ganun ka-bongga. Sobrang virgin talaga. Hindi siya commercial.

“Ang BluArt Productions, more on tourism talaga sila. Eh, paradise talaga ang lugar. Ang dami na ring foreigners doon. Ang dami na ring nakakaalam abroad about Santa Fe. Pero tayong mga nasa Manila, iba ang mga options natin.

“So, gusto naming ihain ng buo ang Santa Fe, na magandang lugar, nakaka-relax. We went there nu’ng Holy Week, hindi siya ‘yung matao na nakakaloka. Very manageable pa. Hindi siya nakaka-stress. Very tropical ang lugar. Sobrang chill ng mga tao…

“Ang ganda ng lugar. Si Lord ang Art Director namin. May mga eksena na kailangan namin triathlon. Pagdating namin doon, may triathlon talaga. Sobrang perfect.”

Hindi ba sila naeng­ganyong magpakasal doon?
“Hindi pa kami engage! Charing! Will oh…!

“Hindi naman kami nagmamadali. Meron naman akong… Personally pina-practice ko talaga na to celebrate our seasons. Ganun talaga ang tema ng buhay ko.

May season na magkaibigan kami, mag-bestfriend kami, may season na nakatutok kami sa work, at may season na mag-try ng ibang bagay tulad ng pagpu-produce.

“Yung magic na sinasabi ni Direk Bona, na ang ganda ng chemistry na­ming lahat, parang pamil­ya na kami, na walang etchos. Itong baby namin, lahat kami mga kasama, ang trato namin talaga dito ay with 100 percent passion talaga…” sabi ni Roxanne.

“Paradise talaga ang lugar. We’ve been together for 4 years. Start as friends. Ngayon kasi, time of learnings and time with surrounding yourself ng mga ibang bagay.

Sa tamang panahon po ang kasal. She deserves the best,” say naman ni Will.
Perfect nga raw ang Santa Fe para sa beach wedding.