Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ang sakit sa puso – Andrea Torres

0 237

Pagkatapos ng ilang buwang pananahimik, nagsalita na si Andrea Torres at happy raw siya sa single life niya ngayon.

Mas tutok daw siya sa kanyang career at sa naging lock-in taping nila ng teleseryeng Legal Wives.

“Gusto ko po muna mag-spend ng time with myself. So, ganito ma lang po muna tayo talaga: work, family, and friends.”

Binuhos daw ni Andrea ang maraming emosyon sa mga mabibigat na eksena.

“Ang dami ko kasing pinagdaanan, so ang bigat-bigat. Kailangan maging totoo ‘yun di ba, so minsan nararamdaman ko na din talaga, sabi ko nga kay Direk, ‘Ang sakit sa puso,” diin ni Andrea.

Marami raw natutunan si Andrea sa co-stars niyang sina Alice Dixson at Dennis Trillo.

“Kami ni Miss Alice, ang dami namin nagawang mabibigat na eksena. Ang sarap-sarap niya ka-eksena, ang ganda-ganda ng mata niya very expressive.

“Tapos si Dennis din, I’m so happy din na hindi kami dumaan doon sa awkward stage. Talagang pag nandun kami sa eksena, Ismael and Dianne talaga,” sabi ni Andrea. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.