Una sa Balita

‘Ang Probinsyano’ walang delicadeza!

By
0 4,882

BINABATIKOS ngayon sa social media ang production crew ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ dahil sa dalawang beses na ‘unethical’ umanong paggamit ng mga litrato ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera pati ng kanilang anak na si Zia.

Ayon pa sa netizen na nakakita at nakakuha ng nasabing litrato, napaghahalataan umanong ‘fan’ ng Kapuso couple ang production crew at nagtatanong kung wala na raw ba silang makuhang kapwa-Kapamilya nila para magamit?
Pinagbibintangan ng netizen na walang permiso ang teleserye sa paggamit ng mga larawan ng pamilya Dantes kaya sinubukang kunan ng pahayag ng Abante ang isang kakilala sa produksiyon ng ‘Ang Probinsyano’.

Pero wala itong nai­sagot dahil titingnan pa umano nila ang isyu at aalamin sa produksiyon na sangkot dito.

Hindi rin naman nagre-react o nagbibigay ng anumang pahayag sina Dong at Yan hinggil sa paggamit ng mga larawan nila sa ‘Ang Probinsyano’.

Sinasabing lumabas sa dalawang episode ng ‘Ang Probinsyano’ ang mga edited na litrato.

Una noong Nobyembre 2017 kung saan may kargang sanggol si Joko Diaz katabi si Mickey Ferriols. Ipinakita rin ang katulad na litrato nina Dingdong at Ma­rian, karga ni Dingdong si Zia. Sa litrato nina Joko at Mickey hindi edited ang litrato ni Zia.

Pangalawa sa episode umano noong Agosto 8, 2018 kung saan napansin ang DongYan wedding photo. Itinabi ng netizen ang original photo ng kasalang DongYan.

Ipinakita ng isang Twitter user @ZDantesFanSite ang video na kung saan ay makikita ang larawan nina Joko at Mickey na parang mag-asawa, na may bitbit na baby.

Sabi, edited ang photo na iyon nina Joko at Mickey na kesyo photo ‘yun nina Dingdong at Marian, at pinatu­ngan nga lang ng mukha nina Joko at Mickey.

Binyag umano iyon ni Zia, kaya naman ang ‘baby’ na bitbit kunyari nina Joko at Mickey ay si Zia mismo, na hindi na pinalitan ng mukha.

“Edited: From Dong & Yan to Joko & Micke­y. Baby Zia’s face was not edited!” sabi pa sa deskripsiyon.
Mababasa sa Twitter ang sari-saring reaksiyon ng mga netizen tungkol sa pangyayaring ito.

“Zia’s photo was unethically used by Ang Probinsyano in Nov. 2017. In last night’s episode, DongYan’s photo was edited and used again by the show. Were the photos of Dingdong, Marian and Zia used and edited without permission? Dear Ang Probinsyano, strike two na po kayo ah!” sabi ni ZiaDantesFanSite.

“Manggagamit ng litrato nina Marian, Dingdong at Zia ang Ang Probinsyano ah. Magsara na kayo!” sabi naman ni Kharl Angelo.

“Nakita niyo na ba ang pic ni Zia sa FPJ’s Ang Probinsyano kagabi pinalabas? Grabe pinatungan ang mukha ng mag-asawa at pinalitan, kay Zia lang ang hindi,” sey naman ni –adyk.

*main_yoo_pyaar: “They mean it para mas lalo pang dadami ang viewers ng probinsyano at tataas ang rating pag tinuligsa at binigyan ng pansin ang pagnakaw nila ng walang permiso sa mga larawan ng mag asawang dantes…grabeee ABS-CBN BASTUSAN na tlga at wala ng respetuhan for the sake of ratings ng teleserye nyo,,,pati Batang walang kamuwang muwang pinalabas without permission sa magulang…nakaka bastos at nakakawala na kayo ng delikadesa’t respeto sa lipunan.”

Sa ngayon ay wala pang reaksiyon sina Marian at Dingdong sa nasabing isyu laban sa ‘Ang Probinsyano’. Nataon na birthday ni Marian ngayon, kaya dedma muna siya sa sitwasyon sa showbiz.