Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Ang Probinsyano’ humamig ng 100 award

0 213

Simple, pero super saya nang paggunita ng cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pangunguna nina Julia Montes at Coco Martin sa ika-anim na anibersaryo ng pag-ere ng unang episode ng longest-running action drama series sa bansa.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng Pilipino sa buong mundo na hanggang ngayon ay sumusubaybay at sumusuporta sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’ Happy sixth anniversary, mga Kapamilya!” sabi ng buong cast sa isang video na inilabas ng Dreamscape Entertainment.

“Sa lahat ng aming mga ka-Probinsyano saan mang sulok ng mundo, maraming maraming salamat po sa anim na taong pagsama ninyo sa laban ni Cardo. Sa lahat ng bumubuo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ mula sa staff, crew, actors, directors, at sa lahat ng mga boss ng ABS-CBN, kami po’y nagpapasalamat sa lahat ng pagmamahal niyo. Maraming maraming salamat po,” mensahe naman ni Coco.

Nagbigay rin ng mensahe si Susan Roces, “Sa loob ng anim na taon, masaya ako na naging parte ako ng pamilyang ito. Para sa lahat ng mga ka-Probinsyano, maraming maraming salamat sa pagtangkilik ninyo, sa pagtulong ninyo, sa pagmamahal ninyo. Pinagbuklod tayong lahat bilang isang pamilya – sa isip, sa puso, at sa gawa. Happy happy sixth anniversary. ”

Sobra-sobrang papuri naman ang binigay ni Angel Aquino kay Coco,

“To my little brother and our great leader @cocomartin_ph and our father and protector @deo_endrinal, thank you for giving me the opportunity to belong in the most important show on television. A big show comes with big hurdles but we manage to stay strong and tight and unbreakable because we have you and our Tita Cory (Vidanes) and all our viewers and supporters who never give up on us. Mga ka-Probinsyano, maraming salamat at mahal namin kayo! Sama sama tayo hanggang sa dulo!”

Sa pagpapatuloy naman ng bagong yugto ng serye ngayong linggo, mas mahihirapan si Cardo (Coco) at ang Task Force Agila na magtago mula sa mga otoridad dahil ang pangalan niya ang idadawit ni Arturo (Tirso Cruz III) sa pagkakapaslang ng Black Ops kay Jacob (Marc Abaya), ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Renato (John Arcilla).

Patuloy ring umiinit ang agawan ng kapangyarihan nina Renato at Lily (Lorna) sa Palasyo dahil hanggang ngayon ay sinusubukan nilang hanapin si Presidente Oscar bago ito makarating kay Cardo.

Sa nakalipas na anim na taon, naghari ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa puso ng mga manonood at nagkamit din ng higit sa 100 awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.