Una sa Balita

‘Ang Probinsyano’ ‘di kayang kabugin ng GMA – Regine

By
0 2,709

Ang dami-raming plano ni Regine Velasquez ngayong isa na siyang Kapamilya. Ang dami-rami rin naman kasing plano ng ABS-CBN sa kanya.

Bukod nga sa pagiging hurado sa “Idol Philippines” at sitcom/musical nila ni Ogie Alcasid, ang laki ng posibilidad na mag-guest siya sa mga teleserye ng Dos. At isa nga sa puntirya ay ang ipasok siya sa “Ang Probinsyano”.

Chika ni Regine, hindi talaga nagawang kabugin ng GMA-7 ang “Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Na kahit daw ang teleseryeng ginawa niya, na isa siyang dyosa, natalo pa rin ni Coco.

“He’s such a gentleman, at parang mahiyain siya. Nakakatuwa.

“Eh ‘yung sa soap ko na ‘yon, goddess ako doon. Namatay ako. Goddess nga ako. Namatay ako. Buhay pa rin si Coco. Hahahahaha!

“Three years na sila, ‘di ba? At parang 12 shows, o 15 na ang itinapat ng GMA sa ‘Ang Probinsyano’.

“Nag-try naman kami. We tried our best,” sey niya.

So, game siya na mag-guest sa “Ang Probinsyano” at kalabanin ang mahal din niyang Kapuso na si Alden Richards?

“Go ako diyan. Puwede kaya ‘yon? Pero gusto ko ex-(dyowa) ako. Ang labo naman. Hahahaha!” natatawang sambit niya.

“Pero like I said, lahat papatulan ko, pati News, ha. Exciting kasi, eh. Alam mo ‘yon, hindi ko inakala na… Hindi ko ma-explain ang sarili ko. Naloloka ako.

“Pero, it will be an honor kung magiging part ako ng ‘Ang Probinsyano’. Lahat talaga papatulan ko!” sabi pa ni Regine.

Well, anything is possible nga, ‘di ba?