Una sa Balita

Ang Probinsyano cong kinuyog ng labor group

0 333

HINIKAYAT ng isang labor group ang waiter na sinaktan ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos na ituloy ang pagsusulong ng kaso laban sa kongresista.

Ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), handa silang bigyan ng ‘legal and political support’ si Christian Karl Alejo kung itutuloy ang kaso laban kay Rep. Delos Santos.

Sinabi ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay na hindi exempted sa kaso ang ginawa ni Delos Santos dahil nangyari ito sa labas ng Kongreso.

“It is obvious that the lawmaker committed grave abuse and he should be made accountable for his actions,” giit ni Tanjusay.

Aniya, maaari din sampahan ng reklamo sa House committee on ethics si Delos Santos dahil sa ‘unethical behavior.”

Matatandaan na nag-sorry na si Delos Santos sa ginawang pananapak kay Alejo sa Biggs Diner sa Legazpi City noong nakaraang Linggo, Hulyo 7.

Wika ng kongresista, nadala lamang siya ng emosyon at hindi naman totoong basagulero o sanggano siya.

Sinabi din ni Delos Santos na handa siyang tanggapin ang magiging desisyon ng Ang Probinsyano Party-list sakaling patalsikin siya ng grupo.

Sinuportahan naman ng ibang labor group si Alejo kung saan hindi umano makatarungan na ang mananakit sa probinsyanong waiter ay ang mismong kongresista ng Ang Probinsyano party-list.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy