Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Ang ProbinSharon’ inaabangan na ng Kapamilya

0 170

Tamang-tama at break ngayon ang lock-in taping ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, kaya na-enjoy ni Coco Martin ang kanyang birthday noong Monday. May nagtsika nga sa akin na magkasama sila ng love niyang si Julia Montes, kaya ang saya lang.

Sa next cycle lock-in taping naman nila, na mangyayari raw sa November 17, balik-Ilocos Sur ang location nila.

For a while kasi ay nag-Bataan sila (doon ang last cycle ‘bubble’ taping nila).

At siyempre, sa next lock-in taping nila ay kasali na si Sharon Cuneta bilang special guest star. Sa November 9 nga raw ay tuloy na tuloy ang media announcement ng ABS-CBN bilang pagwe-welcome sa Megastar sa kanilang action series.

Ready na nga raw ang Megastar at aware siya na sa Ilocos Sur ang location nila.

Wow, excited na ang mga Sharonian sa pagpasok ng Megastar sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, huh! May iba nga na ang tawag na ay ‘Ang ProbinSharon’.

Ikaw, Dondon (my dear editor), excited ka na rin bang mapanood si Sharon sa action series ng ABS-CBN? (Ah, oo naman! – DS) 

Derek mega tutok sa kasal kay Ellen

Noong isang araw ay ka-text ko si Derek Ramsay sa pamamagitan ng Viber app.

Kumusta silang dalawa ng fiancée niyang si Ellen Adarna? Sobrang busy na ba sila para sa kanilang nalalapit na kasal?

Reply ni Derek, “Super busy!”

In fairness sa fiancé ni Ellen, kapag nag-text sa kanya ang press, madali siyang sumasagot. Actually, very accommodating ang hunk actor. Magaling talaga siyang makisama sa press people.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.