Una sa Balita

Ang Pogo ba ay Trojan Horse?

0 395

Naaalala n’yo ba yung kuwento sa Greek mytho-logy tungkol kay Helen of Troy? Ang tungkol sa Trojan horse na ginawa ng mga Greko bilang umano’y tanda ng pagsuko nila laban sa mga taga-Troy? Ito’y ipinasok sa loob ng siyudad ng Troy, na li-ngid sa kanilang kaalaman ay may mga ilang sundalong nagtatago sa loob ng malahiganteng kabayo na gawa sa kahoy.

At sa isang gabing tahimik ay nagsimulang maglabasan ang mga nagtatagong mga sundalo. At sunimulan ang walang kalaban laban na mga sundalo ng Troy hanggang sa ang buong syudad ay matupok at masakop. Sa madaling salita, nalinlang ang buong kaharian ng Troy at natalo sa giyera.

Hindi kaya’t ganyan ang nangyayari sa atin ngayon? Kataka-taka ang dami ng pagdagsa ng mga dayuhang Tsino dito sa ating bansa. Mga trabahante raw ng mga tinatawag na POGO. Ang online gaming offices na dinala dito ng mga dayuhang Tsino.

Nitong mga nakaraang araw ay tila nabahala at nagbabala si Secretary Lorenzana ng DND sa pagdagsa ng mga ito, maging ang pagtatayo ng mga POGO malapit sa mga military camps. Ang mga trabahante ay mga bata na animo’y mukhang mga militar. Kaya naman nagbabala si Secretary.

Related Posts

‘Di nga kaya ang pagdagsa nila rito ay dahil may kung anong kanilang binabalak o pinaplano? Hindi naman sa nagiging paranoid tayo kundi, dapat lang maging mapagmasid ang AFP sa ganitong mga kakaibang sitwasyon.

Di kaya ang POGO na yan ay nagiging Trojan horse? At di lang ang POGO kundi ang buong Metro Manila kung saan nagdagsaan ang mga ito. At tila tayo mismo ang gumagawa ng Trojan horse para sa pagsakop sa atin.

Maaaring ‘di tulu-yang pagsakop ng militar, kundi pagsakop sa mamagitan ng pagkontrol sa teknolohiya ang puwedeng gawin. Iba na marahil ang pamamaraan ng pagsakop ngayon.

Ngunit, kaila-ngang imbestigahan at pagaralan ng ating military intelligence kung ano nga ang kakaibang kilos na ito ng Tsina. Hwag na nating banggitin ang palagiang surveillance sa ating mga karagatan. At huwag na rin natin hintayin na talagang masakop na nga tayo bago tayo mag-ingay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy