Una sa Balita

Ang Panday ni Coco mamalasin kay Mariel

By
Coco Martin at Mariel De leon
0 25

Talaga naman, nobody loves a looser. Mukhang ito ngayon ang nararanasan ni Mariel de Leon matapos ngang ma-lost ito sa Ms. ­International 2017.

Kung anu-anong monickers ang ibinabato sa kanya ng netizens katulad ng MarielKarma, miyembro na raw siya ng LotLot and Friends, at kung anik-anik pa.

‘Yung worst na nabasa namin ay ‘yung paninisi sa pagiging anti-Duterte niya kaya siya natalo, at ‘yung siya raw ang magbabagsak sa career ni Coco Martin dahil isinama ito sa Ang Panday.

Isang malaking baket ang tanong naman namin? Sobrang unfair naman talaga ito para kay Mariel.

Okey na ‘yung isisi sa gown, hair and make-up niya na naging kamukha raw ng kanyang lolang si Lilia Dizon pati na ang kasyobaan niya onstage, pero ‘yung tungkol kina President Duterte at Coco, wala naman yata sa tamang rason.

Kalurks! Well, ganu’n talaga ang mga bashers. Kung anik-anik na utak-ipis din ang nasasabi.

Mariel did her best, but her best wasn’t good enough para maka­pasok siya sa Top 15. At saka, may isang authority sa ­beauty ­pageants na nakausap kami na sinabi niyang ‘never ginusto ng Japan ang isang back-to-back win’ kaya from the start pa lang, alam na raw niyang hindi mapupunta kay Mariel ang korona.
‘Yun na!