Una sa Balita

Ang pagpapanagot sa kakulangan ng DepEd

0 279

Pinutakte ng kontrobersiya ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) nitong nakaraang linggo at lahat tayo ay may dahilan kung bakit dapat maalarma.

Ang kontrobersiyang ito ay umikot sa ulat pangpinansyal galing sa Komisyon ng Pagsusuri kung saan pinakita ang napakalaking gastos ng ahensya.

Iilan lamang ang mga sumusunod sa kontro­bersyal na gastos: mahigit 250 milyon sa mga mali-maling libro, 113 milyon sa mga hindi naipamigay na mater­yales sa pag-aaral, at 300 milyong gastos sa mga diumano’y out-of-town trips ng mga empleyado ng ahensya. Kung isasaalang-alang ang limitadong budyet ng ahensya (kahit pa ito ay 4 bilyon), naisip naman sana ng ahensya kung paano nila gagastusin ang pera ng taumbayan.

Nakakalungkot sapagkat ang problema sa mali-maling libro ay hindi na bago. Noon pa man ay nangyayari na ito at sino ang na­lulugi? Hindi lamang ang taumbayan kundi ang ating mga mag-aaral na sana’y natututo sa mga tamang impormasyon mula sa libro.

Dahil dito, kinaila­ngan na ng partisipasyon ng mga pribadong tagalimbag sa pagsusuplay ng mga libro sapagkat nahirapan ang DepEd na solusyonan ang problemang ito. Mas naka­kagalit pa ang sitwasyong ito dahil na rin sa balitang

kayang gumasta ng ahensya ng 300 mil-yon sa mga out-of-town trips ng mga empleyado nito ngunit hindi nito kayang gawing tama ang mga nasa libro.

Ako ay anak at apo ng isang guro mula sa public school. Nagturo rin ako sa isang pampublikong pamantasan sa loob ng 15 taon. Alam ko ang kasiyahan at res­ponsibilidad na naka-angkla sa pagtuturo kaya nararamdaman ko ang pagkadismaya ng mga guro sa mga nagawa sanang mabuti ng mga taong nagtatrabaho sa industriyang ito.

Related Posts

Ang pagtuturo ay isang napakalaking res­ponsibilidad. Sa a­king karanasan, kinaila­ngan kong makitungo sa mga mag-aaral ng batas na nasa estado ng kanilang pagtanda. Hindi ko mawari kung paano pakisamahan ang mga mag-aaral na nasa kanilang formative years papunta sa kanilang mga propesyonal na buhay.

Isa lang ang masasabi ko: kailangan ng DepEd na gampanan ang kanilang mandato nang naaayon sa kanilang konsensya. Naiintindihan ko na maraming ginagawa sa ahensyang ito at hindi rin sapat ang 4 bilyon kahit na para sa iba ay napakalaki na nito.

Mula naman sa lente ng isang dating mambabatas, naiintidihan ko rin kung saan nanggagaling ang mga mambabatas na gustong bawasan ang badyet ng ahensya dahil sa mababa nitong ra­tings at ang pagsasa-yang nito ng pera.

Dito pumapasok ang kaha-lagahan ng mga debate tuwing public hearing sa budget. Dito binibigyan ng pagkakataon ang mga ahensya ng gobyerno na magpaliwanag kung bakit hindi maganda ang naging performance nila sa nakaraang taon.

Para sa kapakanan ng mga edukador ng ating bansa, nawa’y magawa ng DepEd ang mandato nilang makapagpaliwanag sa napakala­king kontrobersiyang ito.

Hindi pinapayagan ng Saligang Batas ang pagkaltas sa badyet ng DepEd ngunit hindi ito dahilan para hindi magtrabaho nang mahusay.

Nasa kamay ng ating mga mambabatas kung tataasan ba ang bad­yet ng edukasyon. Ang akin lamang ay sana’y maging karapat-dapat ang mga namumuno sa ahensyang ito na pagkatiwalaang muli.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy