Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ang kuwento sa likod ng pamilya Gonzales art exhibit

0 86

Ako po ay naimbitahan dumalo sa isang art exhibit ng pamilyang Gonzales na pinangunguhan ng ama ng tahananan na si Sherwin Paul Gonzales, ang dakilang maybahay niya na si Delsa Gonzales at ang mga anak na sina Bon Franz Raphael Gonzales, Sheardean Gabriel Gonzales at Paul Emanuel Gonzales. Nakakatuwang malaman na ang buong pamilya ay puro artist mula . Sabi ko nga sa kanila “A Family that Paints together are happy forever”. Ngunit sabi nga ni Sherwin marami din silang pinagdaanan sa buhay na hanggang ngayon ay hinaharap nila. Isa na rito ay na-diagnose ang kanyang nisis ng ovarian cancer. Kaya pala ng makita ko ang mga obra ng kanyang misis ay mga babaeng kalbo.

Ayon kay Delsa ginuhit niya ito upang magbigay inspirasyon sa mga kababaihan na lumalaban sa ka parehas niyang may ganitong karamdaman. Dapat lamang na maging matatag at matapang para sa kanyang pamilya ang naging dahilan kung bakit kailangan niyang lumaban. Hindi naging madali para kay Sherwin ang lahat ng ito kaya ito ang naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng depresyon. Ilang buwan din na hindi siya makaguhit dahil sa kakaisip. Laking pasasalamat ni Sherwin sa isa sa kanyang kaibigan na si Noel Buesa na nagbigay sa kanya ng mga payo at suporta para bumalik sa pagpipinta. Si Sherwin ay isa ng kilala at tinitingalang artist ng panahon na ito dahil na rin sa mga karangalang kanyang natanggap dito at sa labas ng ating bansa. Ang kasalukuyang exhibit ng kanyang pamilya ay pagpapakita lamang ng pag-asa at pananampalataya sa Diyos na kaniyang pinamagatang “A New Dawn Shines”. Sabi nga na sa kabila ng lahat ng sitwasyon ay may bagong liwanag na sisilay kaya dapat ay huwag mawalan ng pag asa at pananampalataya sa Diyos. Ang mga obra na makikita sa exhibit na ito ay naglalarawan ng kanilang ekspresyon ng kanilang mga emosyon at mga subject na kanilang expertise.

Samantalang ang kanyang mga anak naman ay magagaling din sa larangan ng pagpipinta tulad ng kanilang mga magulang. At hindi lang sa pagpipinta mahusay din sila sa musika. Magaling kumanta ang panganay. May potensiyal na maging mga artista ang kanyang mga anak.

Ayon kay Sherwin ay nagbabalak na silang manirahan ng kanyang pamilya sa ibang bansa at doon niya ipagpapatuloy ang kanilang propesyon sa pagpipinta. Babalik din siya para gumawa pa din ng mga exhibits dito sa ating bansa. Para sa mga gustong bumili ng mga Obra ng pamilya Gonzales ay maari pa kayong pumunta sa kanilang Exhibit sa Ricardo’s Al Fresco and Art Gallery sa Amadeo na pag aari ni Ric Hernandez at sa pamamahala ng kanyang anak na si Raffy Hernandez.

Malaking tulong din ang pagbili ninyo ng kanilang bawat obra para sa pagpapagamot ni Ginang Delsa Gonzales.

Puwede din ninyong makontak ang pamilya Gonzales sa kanilang mga FB social media accounts.

Dalangin ko sa pamilyang Gonzales ang tuluyang paggaling ni Delsa at maging matagumpay ang kanilang mga anak sa lahat ng larangan na kanilang pipiliin. At para kay Sherwin ay maraming pang obra ang iyong gagawin at parangal ang iyong tatanggapin.

Pasikatin pa natin ang pamilyang ito para magbigay liwanang sa bansang kanilang pupuntahan at tutuluyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.