Una sa Balita

Ang Edukasyon Party-list nanguna ulit sa survey

By
0 312

MULI na namang nanguna sa pinakabagong party-list survey ang 1-Ang Edukasyon Party-list base sa ipinalabas na Top 47 Party-list Ranking Based on Advocacy mula sa survey firm na Tangere.

Napag-alamang sa 47 party-lists na tumatakbo ngayong mid-term elections, nasa Number 1 ranking ang 1-Ang Edukasyon Party-list na pinamumunuan ni Cong. Salvador “Bong” Belaro, Jr. o mas kilala bilang “Mr. Edukasyon” na naka kuha ng 82.70 points kung saan pinag basehan ang adbokasiya ng mga tumatakbong party-lists.

Ikinagalak naman ito ni Belaro kaugnay ng ipinalabas na pinaka bagong survey na nagsabing isang testamento ito na maraming naniniwala at nagnanais na mapalakas ang education system sa bansa sa pamamagitan ng 1-Ang Edukasyon Party-list.

Kamakailan lamang ay nanguna rin ang 1-Ang Edukasyon Party-list sa isang survey sa University of Caloocan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy