Una sa Balita

Ang dangal ng mga Lumad

By
0 1,042

Sa aking pagbisita­ sa Zurich, Switzerland noong Bagong Taon bilang panauhin ng Bayan Ko, Buhay Ko, ako ay tinanong ng isang Manobo na matagal na naninira­han sa bansang ‘yun ng isang tanong.

Sinabi ni Pangulong Duterte na mahal niya ang mga Lumad. Pero bakit niya sinasabi na ang Mindanao ay pag-aari ng mga Muslim kung ang katotohanan­ ay mas nauna kaming mga Lumad sa Min­danao?

Ako ay nabigla. Una, bihira sa isang Lumad na namama­yagpag sa Europa. Nagulat din ang mga kasamahan na siya pala ay Manobo.

May mga Bagobo na nasa Melbourne na masagana rin ang buhay. Pa­ngalawa, marahil ay tama siya na totoong nauna sa Minda­nao ang mga Lumad.

Pero naisip ko na ang sinasabing pag-aari ng mga Muslim ang Mindanao ay hindi ibig sabihin na hindi na ito pag-aari ng mga Lumad.

Sa lawak ng lupain ng Minda­nao, mga lupain na hawak ng mga Muslim at may mga lupain na hawak ng mga Lumad. Ang Indigenous Peoples Reform Act (IPRA) ang nagbibigay ng mga karapatan sa mga Lumad sa kanilang ancestral lands.

Mas kasarinlan po sila. Ang problema lang kasi ay dahil karamihan sa mga Lumad ay salat sa edukasyon at pinabayaan ng lipunan, madali silang nagiging biktima ng sitwasyon.

Ang mga ancestral lands nila ang pinamamahayan­ ng mga NPA kung saan madali silang natatakot sa baril. Ang mga ancestral lands din ng mga Lumad ang binabalahura ng mga open-pit mining corporations.

At dahil karamihan ng mga Lumad sa Mindanao ay mga tribung mapayapa at naging Kristiyano tulad ng karamihan, nakakalimutan natin na may sarili sila da­ngal na dapat nating maintindihan.

Marami pong mga Lumad na ang mga pangalan ay kasing-tunog ng mga pangalan natin pero kung aalamin po natin sila Bagobo, Manobo, T’boli, B’laan at iba pa, may sarili po silang kasarinlan. May sarili po silang dangal na tila nakakalimutan natin.

Mabuhay po ang mga Lumad.