Una sa Balita

Ang Butiki ‘di nanghihila pababa

0 722

LAHAT ng politiko sa bansa ay kailangang bantayan ang kanilang kalaban sa politika, ayon sa Malacañang.

Ito ang naging sagot ni Presidential Spokesperson Salvador­ Panelo sa naging payo ni Senador Panfilo Lacson kay Vice-President Leni Robredo na mag-ingat sa magtatraidor sa kanyang trabaho bilang drug czar.

Ayon kay Panelo, ang tinutukoy marahil ni Lacson ay ‘yung mga taong gustong sumakay para siraan si Robredo sa giyera kontra droga.

“Ang ibig niyang sabihin ng ‘watch your back’, maraming gustong sumakay.

Eh alam mo naman kung sino ang gustong sumakay. Maraming gustong manira.

Sino ba yun? Eh di ­siyempre yun ang mga kalaban niya kung tatakbo siyang Presidente. Yan ang ibig sabihin ni Senator Lacson,” paliwanag ng kalihim.

“Lahat ng politiko ay they should be watching their backs at marami silang mga lihim na kaaway,” dagdag pa niya.

Agad namang sumagot si Lacson at sa isang tweet sa artikulo ng politics.com.ph tungkol kay Panelo, binanggit nitong hindi kilala ang butiki na nanghihila ng tao pababa.

“Normally, lizards aren’t known for pulling people down…” tweet ng senador.

Sa mga nakaraan ay ilang meme ang naglalabasan sa social media kung saan ikinukumpara si Panelo sa isang butiki.

Nag-ugat ang reaksyon ni Panelo sa sinabi ni Lacson noong Sabado kung saan pinayuhan nito si Robredo na bumuo ng sariling network dahil makakaharap nito sa bagong trabaho ang iba’t ibang personalidad na may kuwestiyonableng karakter.

“Ang pulis sari-saring character. She should really watch her back all the time. She should develop her own people who could be trusted… Mag-develop siya ng sarili niya within the law enforcement na pwede mag-provide ng intel info sa kanya o mag-observe ano kamalian sa naliligaw na landas na pulis,” ani ni Lacson. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy