Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Ang arte mo!’ Barbie nilait, hinusgahan sa ‘hiwalayan’ kay Jak

0 197

Pagkatapos na masayang nag-post ng mag-sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto kunsaan, fully vaccinated na sila, biglang may fake website na naglalabas ng mga balita na obviously, puro fake news na break na raw ang dalawang Kapuso stars.

Pero marami talaga silang nabibigla at napapaniwala. Umaabot din ng hundred thousand likes tulad nga nitong pa-breaking news nila noong Miyerkules ng gabi na diumano’y break na raw sina Barbie at Jak.

At ang dahilan, nakalimutan daw ni Jak na monthsary nila at ‘yun daw ang ikinagalit ni Barbie, huh!

Grabe lang na may quote pa ito nina Barbie at Jak. At ang dami rin naman talagang netizens na paniwalain sa fake news.

Nababasa namin sa comment section na kinastigo na agad si Barbie. May nagsabi na rito na, “Ang OA mo, para nakalimutan lang ang monthsary.” “Dami mong arte! ‘Yung iba nga, walang makain!”

Pero siyempre, meron din namang mga netizens na knows na nila agad na fake news, pero sinakyan pa rin sa pamamagitan ng pagdyu-joke ang post.

Naku, ‘yung mga ganitong website ang dapat tinututukan din at nire-report para matsugi.

Vice Ganda tagumpay sa ‘Reina Ng Tahanan’

Very grateful si Vice Ganda sa mataas na rating ng It’s Showtime. Considering man na hindi pa nga naman ito napapanood sa main channel na ABS-CBN.

Tuwang-tuwa ito na tinututukan ng mga tao ang segment na “ReIna Ng Tahanan” Parang pet segment talaga ito ni Vice na siya ang creator at ang aminado itong napakalapit sa puso niya.

Sey ni Vice, “ReINA Ng Tahanan” cuts across every class and gender — everybody just can’t get enough of it because of its universal appeal.

“Ang mga Bakla in particular lahat maka-Nanay…siyempre mahal din ng mga Pinoy ang ating mga Ama…pero maski ang mga Ama aminado na iba ang kurot sa puso kapag mga Ina na ang pinag-uusapan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.