Una sa Balita

Ang aking pamangkin, ate (2)

0 588

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes: (translated from English)
Ang aking pamangkin ay walang interes makipaghalubilo sa nanay niya, ang aking ate. Matagal na silang hiwalay (2 years) dahil sa ginawa ng ate ko sa kaniya. Malapit ako sa pamangkin ko.

Alam ito ng ate ko at lagi siyang humihingi ng balita tungkol sa anak niya. Pero pinangako ko sa pamangkin ko na hindi ko sabihin sa nanay niya ang kahit ano tungkol sa buhay niya.

Kapag pinaliwanag ko ito sa ate ko, naga­galit siya at sinisigawan niya ako. Kapag dinedma ko siya, iiyak nang walang tigil at nagmamakaawa sa akin na gusto lang niyang may koneksyon siya sa anak niya.

Dumating na sa punto na ayoko nang kausapin ang ate ko. Laging bumabalik sa malungkot na kuwento nila ng anak niya. Ano ang magagawa ko? Mahal ko ang ate ko, pero sobra na ang hinihingi niya sa akin. Marian

Dear Marian:
Maraming Salamat sa iyong sulat na pinublish natin nang buo noong nakaraang Lunes, Mayo 27. Eto ngayon ang sagot ko, tungkol sa magagawa mo sa problema mo. Sabihin mo sa ate mo na: “Ate, hindi ko magagawa ang pinapagawa mo sa akin. Ang mga kinukuwento sa akin ng anak mo ay pribado. Hindi lang ‘yun, pinangako ko sa kaniya na hindi makakarating sa iyo ang mga sinasabi niya sa akin. Ayokong masira ang kaniyang tiwala sa kaniya.

“Hindi rin ako han­dang maging ‘bridge’ sa inyo ng anak mo. Kung gusto mong magkaroon nanaman ng relasyon sa kaniya, ikaw ang kaila­ngang lumapit sa kaniya, hindi ako. Kung pala­gay mo hindi mo pa ito kaya, sana makapunta ka sa isang tao—sikolohista, matalik na kaibi­gan, guidance counselor, pari—na makakatulong na maintindihan ang iyong problema.

Sana rin maintindihan mo na kung buma­lik nanaman sa topic na ito kapag nag-uusap tayo, at gusto mo nanamang i-pressure akong maging bridge ninyong dalawa, puputulin ko ang ating relasyon.”

Masyado bang mataray? Sana naman hindi pero FINAL INSTALLMENT FRIDAY.

Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes­ http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy