Una sa Balita

‘Ang akin ay akin!’ Dyowa ni Ejay Falcon bawal titigan, pagpantasyahan ng kalalakihan

By
0 3,499

Inamin ng aktor ng The Blood Sisters na si Ejay Falcon na selfish raw siya pagdating sa kanyang girlfriend. Nagsimula ang usapan sa Magandang Buhay nung tinanong ni Karla Estrada kung totoo bang pinapapalitan niya ang sinusuot ng kanyang girlfriend kapag ayaw niya.

“Oo, ayaw ko talaga kapag lumalabas kami tapos medyo nakikita ‘yung skin,” pag-amin ni Ejay.

So, bawal palang titigan, pagpantasyahan ang dyowa niya? Ganun?

At pambabara naman ni Enchong Dee, hindi ba iyon naman daw ang tinitignan ni Ejay noong single pa raw ito.

“Ganun talaga, selfish ako. Ang akin ay akin,” depensa ni Ejay.

Ang pagiging selfish naman daw niya ay reasonable talaga.

“Kunwari kapag lumalabas kami tapos 2 am na, nagyayaya na akong umuwi. Medyo killjoy kasi ako tapos hindi naman ako mahilig gumimik at mag-bar,” kuwento pa rin ni Ejay.

Pero depensa ullit niya, hinahayaan naman niyang umalis ang girlfriend niya na hindi siya kasama, ngunit may cut-off nga lang.

Kaya hirit ng momshies na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros, conservative at parang tatay pala itong si Ejay kung mag-alaga!

Mapapanood muli sina Ejay at Enchong sa primetime sa The Blood Sisters kasama si Erich simula ngayong Lunes (Pebrero 12).