Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aneurysm ano nga ba ito?

0 88

Itong nakalipas na linggo pagpasok ng bagong taon ay may mga balitang bumulaga sa atin. At dahil dito, may isang karamdaman na tinatanong ng karamihan. Ano ang aneurysm? At bakit nakakamatay ito? Hindi na natin paguusapan ang kaso tungkol sa nagkakalat na mga balita, kundi, pagusapan lang natin ang sakit na aneurysm.

Base sa diksyonaryong Webster, ang kahulugan ng aneurysm ay isang abnormal na pagluwang ng ugat at pagpuno nito ng dugo. Kadalasan ay sa artery ito nangyayari. Maaaring umumbok na parang lobo ang ugat dahil sa panghihina ng isang parte nito. May tatlong bahagi ang ugat natin na tinatawag na tunica o tunics, dahil nagmimistulang parang kapote ang mga ito. Mula sa labas ay ang tunica externa na pumoprotekta sa ugat, ang tunica media o muscular layer nito, at ang tunica intima na syang napakakinis para maganda at walang hadlang ang pagdaloy at daan ng dugo sa ugat. Lahat ng ito ay maaaring manghina at magkaroon ng aneurysm. Kung sa gilid lang ito mangyari, ang tawag ay saccular aneurysm. Kung ang buong ugat naman ang lumaki, fusiform ang tawag dito. Kung minsan naman ay naghihiwalay ang tatlong tunica, kaya ang tawag ay dissecting aneurysm.

Maraming dahilan kung magkakaroon ng aneurysm. Ang kadalasan ay wear and tear o may kinalaman sa pagtanda at may medical na history ng pagtaas ng blood pressure. Ngunit pwede din naman na mayroong genetic predisposition at namana sa mag ninuno o familial heredity. Kadalasan ay hindi nararamdaman ang aneurysm kung hindi ito magbibigay ng mga sintomas sa pag taas ng presyon. Maaaring sumakit ang ulo, maduling o magdalawa ang tingin, kung ito ay sa ulo, sa ibang ugat, lalo na kung sa aorta, pwede din mahirapan huminga o magkaroon ng dysrhythmia sa puso dahil sa pagipit nito sa baga at puso, at kung sa may tyan naman o abdomen, maaaring may makapang bukol. Ang pinagkaiba nito sa iba pang mga bukol na maaaring makapa ay pumipintig ito dahil sa pulso ng dugo.

Iba’t ibang imaging ang pwedeng magamit para makita ang aneurysm, max ultrasound, x-ray, at mas mainam ang ct scan at MRI. Kung madiskubre na may aneurysm kailangan maoperahan agad dahil kung ito ay puputok o mag rupture, maaaring ikamatay ito ng indibidwal.

Sa kasamaang palad ay hindi ito basta basta makikita sa regular na physical exam, kaya ang hindi direktang masiguro na tayo ay ligtas sa aneurysm ay siguraduhing normal ang ating blood pressure. Al kung may nararamdamang kakaiba ay agada gad nang magpatingin para magawa ang mga nararapat na eksaminasyon.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.