Una sa Balita

Andrew Tan walang patawad sa binabahang Megaword condo

By
0 1,251

PINAGBABAYAD ng Megaworld ni Andrew Tan ang mga residente ng Parkside Villas ng P42 million para hindi na tumulo ang tubig sa kanilang mga kisame at para hindi na bumaha sa loob ng building.

Ayon sa inhinyero at residente ng Parkside Villas na si Pacifico Yap, aabot sa P70,000 ang pababayaran sa bawat unit owner ng sosyaling condo na nasa Newport City sa Pasay.

Sabi ni Yap, nasira ang mga downspout nang mag-ukit ang mga tauhan ng Megaworld ng linyang pahalang sa pader.

Sa pagnanais magka-design ang pader para magkadating ay naukit din ang mga downspout sa building kaya’t tumutulo ang mga kisame sa mga unit, na nauwi sa pagbaha.

“Nasira nila ‘yung downspout. They didn’t follow the plans and they are not accepting responsibility for it. Nagkasira-sira na nga ang mga baseboards at cabinets ng mga unit owners,” sabi ni Yap.

Sa isang open letter kay Megaworld Corp. chief strategist Kevin Tan at chief operating officer Lourdes Gutierrez Alfonso, sinabi ng mga residente na nakita na nila ang mga problema nang i-turnover sa kanila noong 2015 pa lang. Hindi rin nakakatulong na hindi nagtatagal ang mga property head na kinukuha ng Megaworld para sa Parkside ­Villas dahil na rin sa sandamakmak na problema sa property.

Hiningi ng Abante ang panig ng Megaworld subalit hindi ito nagbigay ng pahayag sa alegasyon ng mga residente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy