Una sa Balita

Andrea todo bantay kay Derek

0 532

Nahihilig sa sports si Andrea Torres, huh! Malakas talaga ang impluwensiya sa kanya ng leading man niya sa Kapuso series na “The Better Woman”, si Derek Ramsay.

Spotted si Andrea sa Maharlikang Pilipinas Basketball League (MPBL) nu’ng Martes. Laban ‘yon ng Batangas team kung saan isa sa player si Derek.

Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na nanood ang Kapuso actress ng laro ng Kapuso hunk. Pati nga paglaban ni Derek sa Frisbee competition sa China eh, join din si Andrea, huh!

Feeling tuloy ng iba, parang binabantayan ni Andrea ang dyowa niya, ha!
Sa nakaraang interviews kay Derek, inamin niyang nagiging malapit na sila ng kanyang leading lady. Sa latest interview, nabanggit naman niyang naipakilala na niya si Andrea sa ina.

After Sef Cadayona na tago ang naging relasyon kay Andrea, ngayon ay lantaran na ang pagkagiliw nila ni Derek sa isa’t isa, huh!

Aba, ikaw ba naman ang maging voluptuous, malaki ang chance na maakit si Derek sa alindog ni Andrea!

Andrew E mas mayaman kina Janno, Dennis

Reunion movie nina Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla ang pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” under Viva Films.

Nakilala sila bilang Mokong, Astig at Gamol noong dekada 90 at kasagsagan ‘yon ng sex-comedy films at dahil sa utak ni Janno, pumayag ang Viva na mabuo silang tatlo muli sa big screen.

“Si Andrew parang ayaw dahil sa aming tatlo, si Andrew ang pinakamayaman!” sey ni Dennis sa mediacon ng movie.

“Totoo po ‘yan. Hindi niya kailangan ang movie na ito!” dagdag ni Janno. “Bale ginagamit lang namin siya,” sey pa ni Janno.

“Ang totoo po niyan, ang kalahati ng suweldo ni Andrew, dinagdag niya kay Janno,” singit naman ni Dennis.

“Lahat po ng sinabi nila ay pawang walang katotohanan! As you can see in our face, maligaya kaming magkakasama lalo na’t kasama ang magagandang leading ladies na ito,” buwelta ni Andrew.

Tulad ng mga nagawang pelikula noon, tinambakan ng seksing leading lady ang pelikula gaya nina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, at Vanessa Wright.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy