Una sa Balita

Andrea super selos kina Alden, Janine

0 553

abante-talbog-joe-barrameda

Ayon kasi sa diyosa, hindi tama na ginagamit ng binata ang kapangyarihan ng Mjolnir para mapalapit sa reporter. Nagbabala pa si Sif na babawiin niya ang kanyang paggabay kay Victor kung sa maling paraan nito gagamitin ang ipinagkaloob na kapangyarihan.

Nag-react naman ang mga Kapuso viewer na baka nagseselos lang si Sif kay Gwen dahil may espesyal itong nararamdaman para sa binata.

Kahit puyat, pagod sa taping Ken Chan nag-aalaga sa ama na may cancer

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mayroong stage 2b cancer ang ama ng Kapuso versatile actor na si Ken Chan. Sa kanyang ama na inaalay ni Ken ang tagumpay ng kanyang pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na My Special Tatay.

Kaya kahit busy ang kanyang schedule, todo-alaga pa rin si Ken sa kanyang ama. “Sinasamahan ko ‘yung tatay ko sa ospital, ako ang nagpapakain sa kanya, naghahan­da ng pagkain para sa kanya. Ako lahat, parang ako ‘yung nurse niya, ako ‘yung doktor niya.”

Todo abang na rin ang mga fan ng aktor dahil ipinakilala na ang kanyang karak­ter na si Boyet sa serye. Excited na silang mapanood kung paano gagampanan ni Ken ang challenging role ni Boyet.

Naku, kaabang-abang talaga ang pagdating ng natatanging ama na ito sa GMA Afternoon Prime, huh!

Mikee aping-api kay Kate, Cherie

Nakakaloka naman ang mga nangyayari kay Mikee Quintos sa top-rating GMA primetime series na Onanay.

Matapos kasing masampolan ni Cherie Gil, kay Kate Valdez naman ulit nakatikim ng kamalditahan si Mikee.

Naghiganti at ipinahiya ni Natalie (Kate) si Maila (Mikee) sa mga manonood matapos ma­ging tampulan ng tukso sa sariling performance. 

To the rescue naman si Oliver (Enrico Cuenca) kay Maila. Kaya mas lalong nainis si Natalie.

Balita namin marami pang komprontasyon ang dapat abangan sa Onanay!