Una sa Balita

Andrea super kilig sa panliligaw ni Kyle Echarri

0 950

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy
Bagama’t sina Francine Diaz at Kyle Echarri ang magka-love team sa top-rated at most viewed Pinoy serye sa buong mundo, ang “Kadenang Ginto” na pinagbibidahan din nina Beauty G­onzales at Dimples Romana, may namumuong sweetness naman sa pagitan ng teen actor at ng isa pang bida sa serye, si Andrea Brillantes.

Sa thanksgivin­g presscon para kina Francine, A­ndrea, Kyle at Seth Fedelin, dahil sa magandang ratings ng kanilang serye, inamin ni Kyle ang pagkakaroon nila ng “special friendship” ni Andrea.

Natutukso sina Andrea at Kyle sa presscon dahil sa pag-amin ni Kyle na sinundan niya si Andrea sa Korea, nu’ng hindi sila natuloy ng kanyang pamilya sa Japan.

Inamin naman ni Andrea na may paramdam sa kanya si Kyle. Sinabi rin niyang kinikilig siya sa mga paandar nito.

Pero sa ngayon, malabong pagtuunan ng atensyon ni A­ndrea ang tungkol sa lovelife, dahil bukod sa bata pa siya, mayroon siyang goal sa buhay na gusto niyang maabot, ang magkaroon ng sariling bahay, makatapos ng pag-aaral, at maging mahusay at sikat na a­rtista.
Samantala, malapit na ngang maging 1 billion ang views ng “Kadenang Ginto” worldwide, na siyang ikinukunsiderang most viewed teleserye sa buong mundo.

Dahil sa success ng drama soap na ito, aabot pa ang airing nito hanggang sa 2020.

Para mas lalong pa-lakasin ang tambalan ng mga lead ng show, binuo ng Dreamscape Production ni Deo Edrinal, ang “The Gold Squad” na kinabibilangan nina Andrea, Francine, Seth at Kyle.

Andi feeling nanay sa mga anak ni Philmar

Hindi nalalayo si Andi Eigenmann sa estado ng kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo, isang surfer na nakabase sa Siargao. Kung si Andi ay mayroong isang anak (Ellie) bago pa sila nagkakilala ni Philmar, may dalawang anak sa kanyang mga dating kasintahan ang huli.

Naka-post sa Instagram ni Andi ang larawan niya (super laki na ng tiyan niya) kasama sina Philmar, at ang mga bata.

Binanggit ni Andi ang isa pang anak ng boyfriend na nasa ibang bansa. Sa caption ng photo ay sinabi ni Andi na blessed siya sa anak ni Philmar na si Toro. At binanggit din niya ang isa pang anak ni Philmar na si Kanoa, na nasa France.

Sabi ni Andi, hindi matatawag na ordinary ang set up nila, kundi extra ordinary. Pinuri naman si Andi ng kanyang mga follower dahil sa pananaw niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy