Una sa Balita

Andrea pinuri sa kalandian

0 304

abante-talbog-joe-barramedaBow kami sa g­aling ng pag-arte ni Andrea Torres. Marami ang humanga sa ga-ling niya bilang kambal na sina Juliet at Jasmine sa GMA primetime series na “The Better Woman”.

Hindi na iba ang mga kuwentong may d­alawang role na ginagampanan ang iisang artista subalit umani pa rin ng papuri si Andrea sa kanyang ipinamamalas na talento sa pagpapalit ng karakter bilang ang palaban at malanding si Juliet at ang maamong si Jasmine. Pinuri nga si Andrea sa mga eksena niya roon.

Sabi pa ng Twitter user na si @dryedman-goez, “I must say after these first six episodes of #TheBetterWoman, Andrea Torres is amazing! She’s given such a strong, versatile performance so far as both Jasmine and Elaine/Juliet. I hope people take notice of her talent with this show.”

Kaya naman lalong inspired si Andrea na pagbutihin ang kanyang trabaho dahil sa magagandang feedback na kanyang natatanggap mula sa manonood.

Mga Kapuso star todo suporta sa 3rd Eddys

Sa katatapos na 3rd Eddys ng Society of Phi-lippine Entertainment Editors, na ginanap noong Linggo nang gabi sa New Frontier Theatre, ay maraming Kapuso star ang dumalo.

Tulad na lang ni Dingdong Dantes na nanalong Best Actor, Max Collins na Best Supporting Actress, Zig Dulay na award-winning director ng “Sahaya”, na nanalo rin sa Best Screenplay.

Dumalo rin si Rita Daniela para sa isang spot number na ikinatuwa ng lahat dahil kinanta niya ang ‘Kiss Me Kiss Me’ habang si Rayver Cruz ay kasama sa isang dance number, ganu’n din si Aicelle Santos.

Sina Juancho Trivino at Arra San Agustin naman ang nag-host sa red carpet. Presenter naman si Jeric Gonzales. Nag-enjoy naman ang lahat ng mga nag-participate.

Bianca Umali palaban sa sabunutan kay Snooky

Palaban at hindi na papaapi ang karakter ni Bianca Umali sa well-loved GMA epic drama series na “Sahaya”. Marami nga ang natutuwa na hindi na ito pumapayag na maliitin ang kanyang pagkatao dahil lumalaban na ito at nakipagsabayan na makipagsabunutan kay Salida (Snooky Serna) sa isang episode.

Nagbunyi ang netizens sa pagiging palaban ni Sahaya at sabi pa ng Twitter user na si @yannebeb07, “Nakaka-high blood naman ‘yong sabunutan nina Sahaya at Salida, ang tagal! Pero mabuti na lang at luma-laban na si Sahaya!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy