Una sa Balita

Andrea nagpapagawa ng mansyon

0 352

Maganda ang simula ng taon para sa “Kadenang Ginto” young actress na si Andrea Brillantes. Literal na ngiting tagumpay siya sa kanyang bagong achievement which is ang makapagpatayo ng bagong bahay o mansion dahil mukhang malaki nga ito.

Ibinahagi ng batang aktres ang litrato niya sa Instagram kung saan nakaupo siya sa balcony ng kanyang under construction na bahay. Binisita kasi ni Andrea ang soon-to-be home niya.

Mukhang ito nga ang kanyang naipon dahil sa mataas na ratings ng kanilang teleserye na “Kadenang Ginto”. Masasabing ginto nga ang premyo which is ang bahay sa lahat ng kanyang pagod sa trabaho.

Isa na namang inspirasyon si Andrea sa mga kabataan na sa murang edad na 16 ay makakapagpatayo na agad ng sariling bahay. Bongga! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More