Una sa Balita

Andrea, McCoy bibida sa ‘The Ghosting’

0 392

Bakit ‘di si Gerald?

Ni: Rose Garcia

Pinagbibidahan ng mga Kapamilya star na sina Andrea Brillantes at McCoy de Leon ang bagong horror movie mula sa Reality Films.

Originally, iba ang alam naming working title ng pelikula pero final na raw ang “The Ghosting”. Hindi na kami magtataka kung matatanong at magiging controversial ang title pa lang ng movie dahil sa pinag-uusapang millennial term na ghosting, huh!

May nagtatanong nga, bakit hindi si Gerald Anderson ang ginawang bida? Hehe!

Sa isang banda, may karapatan naman na gamitin ang title dahil sa tema nga ng pelikula na horror. Alam din namin, nag-immersion pa yata si Andrea sa asylum kunsaan, kinunan din ang ilang eksena sa movie.
***

‘Goodbye Gutom’ sa ‘Bagong Pilipinas’

Hinangaan ng marami at kung minsan ay kinakikiligan ng mga kababaihan si Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles dahil sa kanyang porma at karisma tuwing lumala-bas ito sa telebisyon at mga pulong balitaan para ipaliwanag ang kasalukuyang mga programa ng administrasyong Duterte.

Si Cabinet Secretary Nograles ang pinakabatang miyembro ng Gabinete ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte at pinakabagong mukha sa burukrasyang ito. Tingin namin, malaking bentahe ang pagiging bata niya dahil iba ang sipag nito at tila walang kapaguran. Hayan at nagagawa pa nga niyang mag-host ng show sa PTV4.

Nakita raw ni Karlo na opportunity rin ang pagiging host niya sa “Bagong Pilipinas” para mas makatulong pa sa mga kababayang Filipino.

Isa nga sa kanyang isinusulong ang programang “Goodbye Gutom” kung saan magugunitang nagbigay ang Pangulo ng direktiba sa Gabinete na pag-isahin ang iba’t ibang mga inisyatibo ng gobyerno laban sa kagutuman at kahirapan upang mas maging epektibo at iahon ang maraming Pilipino sa sitwasyong ito.

Ayon dito, “Gaya nitong Goodbye Gutom Program na ating tinutukan, napakarami pang dapat gawin upang tiyakin na bawat Pilipino ay mayroong sapat na pagkain sa hapag kainan. Kaya gagamitin natin na bagong plataporma ang telebisyon para mas maraming Pilipino ang makaalam na may ganitong programa ang ating pamahalaan na makatutulong at tutugon sa ilang suliranin na kanilang kinakaharap.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy