Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Andrea, Karina nagtalakan sa socmed

0 268

Ang ingay ng away nina Andrea Brillantes at Ex-PBB Otso housemate na si Karina Bautista sa Twitter, Facebook, ha!

Iisipin mo sa simula, ano ang koneksiyon nilang dalawa? May teleserye ba sila at kailangan nilang gumimik?

Anyway, nagsimula ang kuwento ng ayaw kuno-kuno ng dalawa dahil sa tweet daw ni Andrea na; “Once a cheater, always a cheater.”

Na biglang-bigla, sinagot naman daw ni Karina na; “You know nothing, one sided maybe.”

Sa mga ganiyang tweet, in-assume na nga ng mga fan na may giyera sa pagitan nila. May mga nag-isip din naman na baka si Seth Fedelin ang pinariringgan ni Andrea, kaya agad niya itong nilinaw.

“Ops bago mag=assume, okay po kami haha di yan para sa akin,” sabi niya.

Anyway, ang chika ng mga fan, nagsimula ang patutusadahan sa socmed ng dalawa, dahil si Karina raw ay iniwan na ang ka-love team nitong si Aljon Mendoza, at nakipagrelasyon umano kay Gian, na kaibigan ni Aljon. Apektado raw si Andrea dahil bet daw kasi ni Seth si Karina.

Oh, di ba? Iba rin ang mga bagets ngayon, sanga-sanga na ang mga kuwento.

Pero ‘yun na nga, ang mga fan nila ang nag-aaway-away. At para sa mga fan ni Andrea, hindi dapat patulan ng idolo nila si Karina.

Ivan Azulis: “Andrea is a big star of her own generation. She has proven her worth in the industry by 2 major achievements 1st is her first solo teleserye Analiza was a big hit, 2nd is the phenomenal Kadenang Ginto, she was also a mainstay in ASAP before, and is very famous in social media and I believe there’s so much ahead of her in Showbizness, she’s a potential big star in the making, while Karina, I have never heard of any project she did after she came out of the house. It’s like a battle of a certified star vs a certified starlet.”

Sigaw naman ng mga fan ni Karina, ‘wag kang sumawsaw sa hindi mo buhay.’

Well… (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.