Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Andrea inilayo ng Diyos sa demonyo

0 95

Kaarawan ng Kapuso actress na si Andrea Torres ngayong May 4 at 31 na siya. At nang makausap nga namin siya, ramdam mo na masaya at mas positibo ang mindset at excited siya sa kung ano ang nag-aabang sa future niya.

At sa kanyang Instagram birthday post, sinabi ni Andrea na araw-araw may list siya ng mga bagay na she’s grateful or ipinagpapasalamat niya. At siguro nga, ang positibong disposisyon ni Andrea kaya naging madali sa kanya ang lahat. From the break-up at moving-on niya.

Sabi ni Andrea, “Thank you. Thank you Lord. For reminding me of how much You love me. So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement. The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other. I cannot praise You enough. Thank you family and friends (who feel like family) You have given me so much of your time, effort and care. I am surrounded by angels. Thank you to each and every one of you. You’re all a big part of this. Everyday I make a list of the things I am grateful for and safe to say… I am bursting ❤️ I’ll bring all of this with me ❤️ Wishing good health, protection, strength and happiness for all of us 🎂 Looking at the future bright-eyed and eager.”

Well, tila inilayo nga raw si Andrea sa demonyo.

Di ako sabik sa lalake — Alessandra

May singer na nali-link kay Alessandra de Rossi, pero pagdating kasi sa lovelife niya, talagang parang nag-set na ito ng rule na gawing pribado lalo na kung ikukumpara sa mga naging past relationship niya.

Kung ang ibang mga celebrity ngayong pandemic, nandiyang mga nagpakasal na, nagkaroon ng anak. May iba ngang nag-live-in na dahil sa uncertainty siguro kung kailan sila magkikita pa.

Pero, iba si Alessandra, tahasan niyang sinasabi sa kabila ng mga atake ng mga basher sa kanya na hindi siya naghahanap ng lalaki. At hindi rin siya atat pagdating sa career niya, kaya nga dedma ito at nagti-turndown ng mga offer.

Ang gusto lang niya at more than a year na niyang ipinagdidiinan, safety niya at ng kanyang pamilya.

SM food to go Banner Ad

Buong litanya ni Alex sa kanyang Twitter account, “Stop feeling like you’ve made it because you’re there na and I’m not… And I seriously do not care. Whatever God gives me, I take it. Because I never asked for anything but my family’s safety.

“I never prayed for a man or a career.

“If motherhood or getting marries is the best thing that ever happened to you, I’m happy for you. I’m sure it is the happiest place to be. Pero okay naman ako sa Jolibee. Kanya-kanyang trip lang ‘yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it’s also the best thing for me.”

Jed hirap sa maliit na kita

Napa-kuwestiyon ang King of Talk na si Boy Abunda sa YouTube channel nito habang kausap ang ilang mga singer. Ngayong pandemic daw kasi, ang daming naglalabas ng mga online at original contents, magaganda rin naman pero parang walang sumisikat talaga na matagal. Walang umaangat talaga.

Come to think of it, may point ang observation na ito ni Kuya Boy dahil wala namang masasabing nagningning talaga o naging internet superstar pa.

Sabi ni Jed Madela, na sinegundahan din ni Kuya Boy, ang kailangan daw kasi ay consistency at hindi nagtatagal ang interes ng netizens.

“Yung listeners at manonood ngayon, maikli ang kanilang attention span. I guess, that’s the sad side, kapag maraming napapanood, nagkakaroon ng option.”

Aminado rin si Jed na talagang malaking adjustment, lalo na in-terms of income, kahit na may monetization ang ginagawa nila sa social media, maliit lang daw talaga ang kinikita nila ngayon kumpara sa mga raket nila na normal or live. Kilala si Jed sa KUMU at dito ito maraming follower.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.