Una sa Balita

Andrea ‘inagaw’ ni Seth kay Kyle

0 447

Hinuhulaang posibleng magkatuluyan bilang magdyowa sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na higit pa sa pagi-ging love team nila sa ser-yeng “Kadenang Ginto”.

Punung-puno ng tamis, malasakit at support sa isa’t isa sina Andrea at Seth, na puwedeng mapagkamalang unti-unti na ngang nagkakamabutihan ang dalawa.

Pinuno ng papuri ni Andrea ang message caption ng larawan nilang dalawa ni Seth, para sa birthday nito. Sa mensahe, sinabi ni Andrea na lagi siyang pinasasaya ni Seth.

“Happy birthday to this soul full of sunshine, my favorite kaasaran, kakulitan and my buddy in everything haha. You never fail to put a smile on our faces. You came into my life unexpec-tedly and sobrang happy ako for you, ang dami mo nang na-achieve! Sobrang nakaka-proud ka and you deserve it,” sabi ni Andrea.

Pinasalamatan din ni Andrea si Seth sa paga-alaga nito sa kanya. At nangako itong lagi siyang naka-antabay sa young actor kahit anong mangyari.

Pero teka, ano na ang nangyari sa ‘relasyon’ daw nina Andrea at Kyle Echarri? Naagawa na ba ni Seth si Andrea kay Kyle sa tunay na buhay? (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy