Una sa Balita

Andrea ibinida ang nakaraan kay Vin Diesel

By
0 1,032

Isa na namang masaya at nakakaaliw na episode ang inihandog nina Dondon Sermino at Rey Pumaloy sa online show nilang Abantelliling.

Ang dating miyembro ng all-female group na Viva Hot Babes at ngayon nga’y isa nang public servant na si Vice Mayor Andrea del Rosario ng Calatagan, Batangas ang game na game na nakipagkulitan sa mga host ng Abantelliling.

Dahil sa ganda at seksi pa rin si Andrea nabanggit din sa show ang pagkaka-link sa kanya ng Hollywood actor na si Vin Diesel. Nabighani nga ang actor sa beauty ni Andrea sinusundan-sundan pa nga siya hanggang sa inimbitahan pa siya nito sa bahay. Nakakapanghinayang man pero hindi nauwi sa malalim na relasyon.

Sa acting portion, game na game na nakipag-aktingan ang mga host kasama si Andrea at isang empleyado. Gaya ng inaasahan nayanig ng hagalpakan ang Abante office at tawanan ang mga manonood. Hindi lang sampal kundi tulak, tadyak, at sipa natikman ni Rey na siyempre aktingan lang.

Lahat ng ito ay mapapanood nang buo, bisitahin lamang Facebook fanpage na Abante News Online at website na www.tnt.abante.com.ph.