Una sa Balita

Andrea, Francine nakakakilabot ang talakan

0 1,539

Nalantad na nga ang isa sa pinakamalaking sik­reto sa seryeng “Kadenang Ginto” nang aminin na ni Romina (Beauty Gonzales) sa anak na si Cassie (Francine Diaz) na bunga siya ng rape.

Nangyari ito nang pilit itanong ni Cassie kung tunay nga ba siyang anak ng kanyang amang si Robert (Albert Martinez) dahil narinig niya kay Marga (Andrea Brillantes) na wala siyang dugong Mondragon.

Ngayong alam na ni Cassie ang totoo, ang bagong malaking palaisipan sa mga manonood eh kung sino nga ba talaga ang gumahasa kay Romina. Karamihan sa mga netizen ang theory ay si Albert din daw talaga ang gumawa ng krimen.

Pero marami rin ang kontra dahil hindi raw ‘yun magagawa ng karakter ni Albert. Nakakalito, ha!

Pero siyempre, tuloy naman ang kasamaan ni Marga dahil hindi siya makukuntentong makita si Cassie na masaya. Sa teaser ng serye ngayong linggo, ipinakita si Marga sa gitna ng classroom at isinigaw sa lahat na hindi tunay na Mondragon si Cassie. Buong tapang naman siyang hinarap ni Cassie at inaming hindi nga sila magkadugo dahil bunga siya ng pagkaka-rape ng ina.

Nakakakilabot ang talakan nila, ha! Intense, ‘di ba? (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy