Una sa Balita

Andrea enjoy sa bugbugan

0 220

abante-talbog-joe-barramedaAll smiles si Andrea Torres nang muli siyang pumirma ng management contract sa GMA Artist Center. Nagpapasalamat siya dahil sa tiwala at iba’t ibang role na ibinibigay sa kanya ng GMA.

“I’m very happy. Masasabi ko nang na-try ko na mag-fantasy. Dati rin akala ko hindi bagay sa akin ang action pero nae-enjoy ko siya ngayon,” sabi ni Andrea.

Samantala sa Victor Magtanggol, gustong manatili ni Modi (Pancho Magno) sa Midgard para bawiin ang mjolnir na tututulan naman ni Sif (Andrea Torres). Handa na si Victor (Alden Richards) na isuko ang martilyo ni Thor at bumalik sa kanyang pamilya.

Ito na nga ba ang hudyat ng katapusan ng mga misyon ni Hammerman? Tutukan yan gabi-gabi sa GMA Telebabad!

Bea Binene, David Licauco malakas ang chemistry

Hindi mapigilan ng marami ang ma-excite sa muling pagkikita ng mga karakter nina Bea Binene at David Licauco sa Kapag Nahati Ang Puso. Lutang na lutang daw kasi ang chemistry ng dalawa sa isa’t isa lalo na’t lovable ang karakter ni Zach (David) sa serye.

At sa pagbabalik ni Claire, ito na rin ba ang simula ng pagbagsak ni Miranda (Bing Loyzaga)?

Sa pagkakalapit din ng loob nina Rio (Sunshine Cruz) at Joaquin (Benjamin Alves), maraming Kapuso viewer din ang hindi makapili kung sino ang mas karapat-dapat kay Rio. Sino nga ba kina Nico (Zoren Legaspi) at Joaquin ang magwawagi sa kanyang puso? Abangan ‘yan sa Kapag Nahati Ang Puso sa GMA.