Una sa Balita

Andrea-Derek romansa nasa YouTube na

0 496

Umakyat na ng isa pang level ang relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Sa pagkakataong ito ay dadalhin na nila ang kanilang romansa sa YouTube.

Magbubukas ng sarili nilang YouTube channel sina Andrea at Derek upang magkaroon ng mas ‘up to date’ na chika sa kanilang relasyon ang mga fan.

Humingi ng suporta ang dalawa para sa kanilang channel na magsisimula raw sa December 15.

Ayon sa kanilang announcement ay mas makatotohanan ang mapapanood sa kanila ng mga fan nila. Sey nga ni Andrea, ‘no makeup’, na ibig sabihin ay hindi sila magpapaka-artistang dalawa ni Derek.

“No script, no planning, all 100% real!” sabi naman ni Derek.

Nauna na sina Jennylyn at Dennis sa ganitong collaboration sa YouTube channel na karamihan ay duet song ang ginagawa nila. Kung anuman ang ginagawa nina Derek at Andrea, ‘yun ang aabangan sa kanila ng mga fan.

Marjorie, Mommy Inday bati na ulit

Tila nagkabati na ang mag-inang Inday Barretto at Marjorie Barretto sa posting ni Pocholo Barretto sa kanyang Instagram. Masisilip sa IG ni Pocholo ang gathering nina Marjorie, kasama ang kanyang mga anak, pati na ang ilan sa mga kapatid ni Marjorie at iba pa.

Nasa photo rin si Mommy Inday, pero hindi ito katabi ni Marjorie. Dalawang anak ni Mommy Inday ang nakapagitan sa kanila ni Marjorie.

Ito ang kauna-unahang pagsulpot ni Mommy Inday kasama si Marjorie matapos kumalat sa social media ang video na nagsasalita ito na gusto nito umanong sapakin si Inday dahil sa pag-iinarte nito.

Simula noon ay naging madalas na ang pagkikita nina Mommy Inday, Gretchen at Claudine Barretto. Sa caption ay sinabi ni Pocholo na galing silang lahat sa isang buffet gathering sa isang hotel.

Melissa Ricks inilantad ang katabaan

Tinanggal lahat ni Melissa Ricks ang hiya at pagkailang sa katawan niya nang ibalandra sa kanyang Instagram ang katawan niya suot ang isang one piece bathing suit.

Kitang-kita ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ng dating aktres.

Sa caption ng photo, sinabi niyang ayaw na niyang mabuhay sa pagtatago ng kanyang pigura.

Dumaan na siya sa depression, anxiety, galit at pagkasuklam, sa taba niya. Pero ngayon gusto naman niyang ipagmalaki ang kanyang figure.

Sey nga nito sa caption ng photo, hindi siya mataba kundi binigyan siya ng maraming grasya ng Diyos. Marami ang humanga kay Melissa sa katapangan nito.

Na-inspire sila sa pahayag nitong huwag ikahiya ang kanilang pigura.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy