Una sa Balita

Andrea del Rosario Magaling na aktres, politiko, ‘Usapang Manok’ ang hilig

By
0 637

Magaling na actress at isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz si Andrea Del Rosario.

Mula sa pag-aartista, modelo ay pinasok ng dating Viva Hot Babes member na si Del Rosario ang politika, siya ngayon ang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas, nahihilig na rin siya sa mga manok panabong.

May limang buwan na ang nakalipas ay nagpa seminar si Del Rosario tungkol sa sabong, ang ‘Usapang Manok’ tamang kaalaman sa pagmamanok tulad ng breeding, bloodline, raging, vaccination program, conditioning at marami pang iba.
“I like it eh, lalo na ‘yung breeding part,” saad ni Del Rosario na pangunahing karakter sa pelikulang Lupe noong aktibo pa sa showbiz.

Maraming nakausap na backyard breeder si ­Andrea at karamihan ay nagtagumpay at guminhawa­ ang buhay dahil sa pagbebenta ng manok panabong.­

Naging Gamefowl enthusiast si Del Rosario ng nakilala niya ang kanyang partner na si gamefowl breeder Anthony Garcia.

Nakipagtambalan si Del Rosario kay Garcia ng sumali sila sa derby gamit ang entry name na AG Polo. Sa simula ng kanyang pagkahilig ay nagulat si Del Rosario sa iba’t ibang klase ng bloodline ng mga manok kaya naman ay nagbi-breed na rin siya para sa kanyang sarili. 

Ayon kay Andrea na nagsimula siya sa tatlong pares noong mag-breed.

“Hindi ko alam kung ilan ngayon kasi maraming tinamaan ng sakit dahil tag-ulan pero marami pa rin pagpipilian na panlaban sa derby.” hayag ni Andrea. 

Bukod sa paglilingkod sa kanyang nasasakupan, nais din ni Del Rosario na makatulong sa mga sabungero na gustong guminhawa ang buhay.

Aminado si Del Rosario na maraming bumagsak sa pagsasabong dahil sa maling paraan at mas marami ang umangat ang buhay dahil ­ginawa nila ang tama.