Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Andrea copycat kay Jennie Kim

0 889

Isa sa mga pasabog ng Black Pink ay yung bagong hair style ng isa sa mga miyembro nito na si Jennie Kim. Makikita na blonde ang bangs nito habang dark hair color pa rin ang likod na bahagi ng kanyang buhok.

Dahil sa sobrang trending ito, hindi pinalampas ni Andrea Brillantes na gayahin ang hairstyle ni Jennie.

Nang i-upload naman ni Andrea ang kanyang bagong look kung saan ginaya niya ang hairstyle ni Jennie, agad pumalo sa halos kalahating milyon ang like nito sa loob lamang ng wala pang 24 oras.

Pero ang mas nagpakabog sa picture na ito ay ang comment ni Seth Fedelin na nagsasabing “i like you just the way you are.” (Athena Yap)

Leave A Reply

Your email address will not be published.