Una sa Balita

Andrea Brillantes super maldita, sarap sampalin

By
0 684

abante-paistaran-dondon-serminoPatindi na talaga nang patindi ang kamalditahan at bangayan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa ‘Kadenang Ginto’ kaya naman mas dumarami na rin ang gigil na gigil sa serye tuwing hapon.

Nagtala ito ng isang milyong weekly views sa iWant TV at nagkamit din ng all-time high national TV rating na 19.8% kamakailan, patunay na talagang tinututukan ang matitinding komprontasyon sa serye.

Gigil na gigil din sa comments section ang netizens at halos lahat ay sumisigaw ng #TeamCassie bilang pagpanig kay Francine Diaz. Pero marami rin naman ang pumupuri kay Andrea Brillantes dahil sa husay nito sa tarayan. May mga nagsasabi nga na sa husay ni Andrea, parang sarap daw sampalin ng batang ito.

Pero marami pa ang mas mabubuwisit tuwing hapon dahil gumawa na naman ng kamalditahan si Marga. Nag-host ng party si Marga (Andrea) para lang lasingin si Cassie (Francine) at i-frame up na nag-vandalize siya ng school premises. Kaso ang hindi alam ni Marga, nakuha sa CCTV ang ginawa niyang pagpintura sa dingding ng kanilang school, kaya naman siya ang sinisi ng kanilang principal na muntik niya nang ika-suspend.

Ngunit bago pa ‘yan, una nang ninakaw ni Marga ang designs ni Cassie para sa isang fashion show sa school. Pero siyempre, sumawsaw na naman sa usapan si Daniela (Dimples Romana) at ininsulto pa si Cassie dahil ampon lang daw naman ito.

Exciting na talaga ang bangayan nila at siguradong mas iinit pa ito.