Una sa Balita

Andrea Brillantes bugboog-sarado sa mga K-Pop group!

0 3,070

Dahil sa isang fake Facebook account, na-bash nang husto ang Kapamilya teenstar na si Andrea Brillantes. Marami ang nag-assume na siya talaga ang nag-post sa naturang FB account na nag-react at sinagot ang basher na tinatawag siyang ‘bandwagoner’.

Kaya naman ‘yung ibang mga netizen, pinapa-ban na si Andrea sa ilang K-pop group, bilang self-confessed K-pop fanatic si Andrea. Kasi raw, si Andrea ay nagpapanggap lang na fan ng ilang K-pop idol pero ang totoo, nakiki-ride lang ito o nakiki-bandwagon nga para maging in.

Sa nasabing fake FB account, matapang pang naghamon na sabihin daw sa harapan niya ang mga negatibo at masa­samang salita na sinasabi sa kanya online. Sabi pa nu’ng Andrea, kung ‘bandwagoner’ lang, mas marami pa raw naitawag na worst sa kanya in the past.

Pero ‘yun nga, fake account lang daw ‘yung nag-post sa FB. Kaya kahit Father’s Day noong Linggo, nag-post si Andrea sa kanyang Instagram account ng statement niya talaga.

Sabi ng teenstar, “Hi everyone. It has come to my attention that there is a statement allegedly made by me that was posted­ on facebook a few days ago.

“I would like to make it clear, that it wasn’t me. The only social media account I handle is my Instagram. Kung sino man po ang nag-post, I am grateful for your support, but nonetheless with what is happenin­g right now with the back and forth sa comments, nakakalungkot. The least that I want is to have any negativity or conflict between everyone involved.

“Sa lahat ng mga nangyayari sa mundo ngayon mas kailangan nating magtulungan at magmahalan kesa magsagutan sa social media. We are all better than that.

“Let’s focus on what’s important in life, our families and friends. Let’s spread love and acceptance. Today is a good day to start over.”

Si Andrea na yata ang child star pa lang, nasubok na nang husto ang katatagan pagdating sa mga basher and hater sa social media.