Una sa Balita

Andrea ayaw ma-link kay Alden

By
0 1,644

Ngayong gabi ang presscon ng ‘Victor­ Magtanggol’,­ at siyempre, puputaktihin ng tanong ang bida ritong si Alden Richards, lalo na nga at hindi si Maine Mendoza ang ka-partner niya rito.

Sina Janine Gutierrez, Andrea Torres ang ilan sa mga babaeng magdadaan sa buhay ni Alden sa ‘Victor Magtanggol’.

At ngayon pa lang, alam na natin kung paano sila tratuhin ng mga tagahanga, o mga nagpapanggap na tagahanga nina Alden at Maine.

“Hehehehe. Very positive ako sa show na ito at nai-excite na ako malaman ang reaksiyon nila, ang feedback nila, lalo na sa pet ko, at pati sa ibang characters. Naaaliw kasi ako sa itsura namin dahil ibang-iba talaga.

“Goddess ako rito, at si Kuya John Estrada ang pinaka-main kontrabida.

“Secret na lang muna ang ibang details kung ano ang magiging role ko kay Alden. Pero pang-family ito, at siguradong matutuwa ang mga bata,” kuwento ni Andrea na sumabak­ din sa workshop kay Anthony Bova ­kamakailan lang.

Hindi raw ito ang first time na magsasama sila ni Alden.

“Yea, nakatrabaho ko na si Alden sa Wagas noon. Pati sa commercial nung pareho pa lang kaming baguhan. Pero ngayong Alden na siya, first time talaga.

“Ang saya sa taping. Magaan sa set namin. Kaya nakaka-excite pumunta sa work, kasi nagi-enjoy lang lahat. Walang pressure talaga. Walang sumisigaw. Walang nega vibes. Lahat enjoy lang. At saka, nakakaaliw ang set. Ang lalaki ng set up namin. Talagang ibang-iba.”

Pero, hindi ba talaga siya naapektuhan sa mga sinasabi sa kanya, dahil kay Alden? May iba nga na pinagbabantaan kayong patayin, o buhusan ng asido.

“’Yung mga death threat hindi ko pa naman nakikita. Pero, ang tina-target kasi nila ay ang kapatid ko. Hurtful talaga. ‘Pag nag-start na ang comment na nega, dini-delete ko na lang agad, ayoko na lang basahin.

“Ang kapatid ko ang ginagamit nila para masaktan ako. Pero ang death threat, wala pa naman. Nakaka-hurt talaga dahil alam naman nila na special ang kapatid ko. Very sensitive kasi ako sa ganun, lalo na ‘pag dyinu-joke. Hindi ko talaga kaya,” sambit ni Andrea.

“At saka, ang hirap ‘pag pinatulan ko, inaway ko, tatagal lang, hahaba lang ang away.”
So, hindi ka feeling kawawa?

“Hindi ko naman naisip ‘yon. More on inisip ko na blessing kasi gusto ko ng work. At saka, the more na isipin mo yan mas magiging nega, pero kung hindi naman, wala lang.

“Positive na kasi ang outlook ko. Siguro dahil tumatanda na ako. Dumating din ako sa point noon na iniinda talaga ang problema. Pero darating ka rin sa point na makakasanayan mo na ang the art of deadma. At saka wala ka na rin energy na patulan pa ang isyu. Lalo lang lalaki ‘pag ganun.

“At saka ang mga tao naman kung hindi ka talaga tanggap, wala ka na magagawa­ pa hindi ka rin tatanggapin. So, dedma na lang, tawanan na lang.

“At saka, as long as matindi ang faith mo, hindi ka manghihina.”
Teka, matagal-tagal ka na ring walang dyowa, ha?
“Yeah, two years na nga, eh. Hindi rin kasi ako palalabas lately. Kasi ako ang gusto ko talaga, dapat may spark, ‘pag wala, ayoko na agad.
“Hindi ako ‘yung nakikipag-date na pilit. Ayoko ring madaliin. ­Mahirap din mag-invest ng feelings,­ tapos wala rin.

“Sanay na nga ako na mag-isa. Hindi ko na siya hinahanap. Pero napi-feel ko na ibibigay rin siya sa akin.

“May mga nanliligaw, pero hindi kami swak eh. Lumabas kami, pero wala eh. Walang spark. Pero hindi naman kami magkagalit.

“Hindi naman itsura ang hinahanap ko. Ang mga naging boyfriend ko iba-iba ang itsura. May Chinese, may Pinoy ang itsura. Basta gusto ko lang, mahilig lang ako sa mukhang mabango.”

Eh, si Alden mabango talaga, ‘di ba?

“Hahahaha!”
So puwede ba? Tutal hindi naman magdyowa sina Alden at Maine, ‘di ba?

“Naku, ‘wag na muna yang mga ganiyan. Mag-work na lang muna tayo. Mag-iipon na lang muna ako. Gusto kong mag-business, eh. ‘Yun na lang muna.

“Tama na ‘yang mga link-link na yan! Hahahaha!” say na lang ni Andrea.