Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Andrea, Angelica ‘ininsulto’ ni Derek dahil kay Ellen

0 425

Sa Instagram post ni Derek Ramsay kunsaan, pino-promote niya ang cover niya sa Mega Entertainment, sa palitan nila ng comment ng current girlfriend ngayon na si Ellen Adarna, tahasan nitong sinabi na dahil kay Ellen, sumaya raw siya at ito ang nagpabalik kung ano raw ang totoong siya.

“Thank you for making me so happy bruha! Thank you for bringing back the real me,” sabi ni Derek.

Napapatanong tuloy ang ilang netizens, “Ano ibig niyang sabihin, noong sila ni Andrea, hindi pala siya yun?”

Sa kabila ng may mga nagko-comment na rin naman sa kanilang new found love at nagsasabing bagay sila. May mga nagwi-wish na rin na sana nga raw, maging masaya sila at magtagal, marami pa rin talaga ang against sa relasyon nila at nagsasabing hindi ito magtatagal.

Sabi ng isang comment, “pang-ilan na ba na sinabihan ni Derek na “she’s the one?” Baka nagjo-joke lang si kuya.”

“Ganyan din ginawa mo kay Angelica at Andrea.”

At may sagot na si Derek sa mga nagre-react sa sinabi niyang “she’s the one.” Sey ni Derek, “Hello bashers! Sana basahin nyo ang article before you spread your kindness.”

Insulto nga raw kina Angelica at Andrea ang sinabing `yon ni Derek, na para lang maiangat o mapasaya si Ellen. (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.