Una sa Balita

ANDREA, AHAS, NANINIRA NG PAMILYA…

By
0 18

Level up na nga ang mga eksena, lalo na pagdating sa lambi­ngan, himasan, titigan, at landian, nina Dingdong Dantes at Andrea Torres sa Alyas Robin Hood 2 ng GMA 7.

At kung titingnan mo, parang sanay na sanay na si Andrea na maki­pagharutan, landian, kay Dingdong, ha!

“Always naman po, ‘pag kami ang magkaeksena, parang ang dali. With Kuya Dong (ayan, may Kuya, ha), kitang-kita mo sa kanya si Pepe. At saka, marami akong natutunan sa kanya all the time. So, always fun talaga with him,” sabi ni Andrea.

Wala nang adjustment, ilangan? Kahit naglabasan ang mga matitinding intriga, akusasyon sa kanya, dahil kay Dingdong?

“No adjustment, at ang iniisip lang namin, ano pa ba ang puwedeng gawin, kasi nga ang goal namin ay mag-level up. So, iniisip namin kung ano pa ang mga puwedeng idagdag para mas ma­ging interested ang mga tao sa teleserye namin. Para may panggulat naman!” tsika niya.

Hindi ka natatakot na mas lumala ang mga ibabato sa iyo dahil kay Dingdong? Lalo na ngayon, na kung titingnan mo ang social media, lahat na yata ng masasakit na puwedeng iakusa sa isang babae na tulad niya, ibinabato sa kanya.

Parang kaswal na lang sa kampo ng iba na tawagin siyang ahas, babaeng tuod, malandi, naninira ng pamilya, na kesyo isinusuka siya ni Dingdong sa tunay na buhay, at kung anu-ano pa…

Hindi ba siya natatakot na mas tumindi pa ang sitwasyon? O mas dumami pa ang magalit sa kanya?

“Wala naman akong kinatatakutan. Si God lang ang kinatatakutan ko. Basta professional lang kami. I think, ‘yun naman talaga dapat. Nagpupunta kami sa set para mag-work. So, ‘yun lang ang dapat. Hindi dapat isipan ng kung anu-ano pa.

“And nandun na ako sa point in my life na very positive lahat. I feel so blessed, ang daming magagandang nangyayari. So, hindi fair kay Lord na pagtuunan ko ng pansin ang mga ganung bagay na nakasisira.

“Mas gusto ko na i-count na lang ang blessings ko,” sabi ni Andrea.
Hindi ka na nasasaktan sa mga batikos, akusasyon sa iyo?

“Well, parang na-accept ko na ganun talaga, na may makikita kang mga negative. Na hindi ka naman maa-accept ng lahat ng mga tao. Part of the business `yan. Parang titingnan ko siya in a positive way, na parang okey rin, na kumbaga balance, na nakaka-humble rin `yung ganun…”

Pinag-uusapan niyo ba ni Dingdong ang mga tsismis o akusasyon?
“Hindi, eh. Pagdating sa set, ang pinag-uusapan ng lahat tungkol sa show lang.”

So, dinidibdib mo na lang lahat ng nababasa mo, sinasabi sa iyo?

“Madasalin naman akong tao. Dinadaan ko sa dasal lahat. Doon ko nakukuha ang strength ko, at sa family rin siyempre. Alam naman ng lahat ng mga tao kung gaano ako ka-close sa family ko.

“Pray talaga, eh. Kapag pinatulan mo pa ang mga ganun, lalake pa. So, dapat hanapin mo ang best possible na gawin to deal with it, na wala kang sasaktan na ibang tao.

“Nababasa ko naman mga sinasabi ng iba tungkol sa akin. Pero sabi nga, ‘wag mong sanggain ng negative ang ginagawa sa iyo na negative. Sabi nga, kung ano ang gagawin mo, ‘yun ang ibabalik sa’yo.

“So, kung aawayin mo, lalong gugulo, mas dadami ang negative. Kaya kung hindi mo papatulan, tatahimik lang.

“Pero, ang sasakit din talaga ng ibang sinasabi nila. Naapektuhan din ako. Pero, nakundisyon ko na ang sarili ko na ‘wag patulan…”

So, okey lang ang galit nila sa iyo?

“That’s love. They’re just being protective. Pagmamahal lang nila `yon sa idol nila. I completely understand, and it’s part of the job,” sagot ni Andrea.

Mag-boyfriend ka na kasi, para mawala na ang akusasyon sa iyo dahil kay Dingdong.
“Wala pa akong boyfriend ngayon. Saka na lang. Pag may dumating na lang.

“Wala akong dini-date na exclusive ngayon. Saka, ngayon lang ako nakaka­labas-labas. Ngayon lang lumalawak ang friends ko…”

Andrea, handang-handa sa suguran!
“Pang-self defense ‘yon!
 Delikado na ngayon!”

Andrea Torres
Andrea Torres

Anyway, sa mga gustong manugod kay Andrea, dapat handa kayo talaga, dahil si Andrea, handang-handa. Katunayan, praktisado siya sa martial arts, boksing, at kung anu-ano pa.
“Opo, gamitin na natin pag may sumugod. I mean, pang-self defense naman talaga. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Na-inspire ako kay Venus (role niya sa Alyas Robin Hood 2), na okey pala `yon, na kahit babae, maraming alam, na kahit saan mo siya dalhin, alam niya kung paano niya iha-handle ang sarili niya.

“In real life, puwede ko siyang gamitin. Pero sana naman, ‘wag siyang mangyari, nakakatakot naman ang mga ganung sitwasyon. Sa ngayon delikado na, di ba, kaya at least, ready ka na…”

So, handa ka na sa mga susugod sa iyo? Mga taong nagagalit sa iyo? Malay mo, di ba?
“Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sey na lang ni Andrea.