Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Andrea Abalos angat ang alindog sa Superbod

0 119

Dugong politiko nga si Andrea Abalos.

Apelyido pa lang niya, alam mo na agad kung gaano kasikat ang angkan na pinagmulan niya.

Pero, wala siyang hilig sa politics, dahil sa halip na pasukin ang pagiging public servant, mas bet niyang maging doctor, at siyempre maging modelo, o artista.

“I want to be a doctor like my dad! Ang dad ko lang kasi ang hindi nahilig sa politics sa kanilang magkakapatid,” sabi ni Andrea.

Malaking bagay ba ang maging Abalos? Mas madali ba sa kanya na pasukin ang mga bagay na gusto niya dahil Abalos siya?

Pero sabi niya, mas gusto niyang patunayan, ipakilala ang sarili niya sa lahat, kung sino talaga siya, at ano ang kaya niya, at hindi kung ano ang apelyido niya.

Anyway, sa totoo lang, bukod sa maganda, matangkad, ang seksi-seksi ni Andrea. Puwedeng-puwede nga siyang maging beauty queen.

Anyway, abangan si Andrea sa Superbod, ang atleta, at iskolar ng bayan. At tingnan niyo naman ang mga photo niya, lutang na lutang talaga ang alindog niya. Alagang-alaga nga niya ang kanyang katawan, mula sa pagkain ng masusustansiya, hanggang sa pagi-ehersisyo. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.