Una sa Balita

Andrea, ‘di makapaniwalang ‘honorable’ na siya!

By
0 122

Ang turismo sa bayan ng Calatagan, Batangas ang isa sa mga proyekto ng elected vice mayor ng Calatagan na si Andrea del Rosario. Mayaman daw ang Calatagan sa mga magagan­dang tanawin at gusto iyon i-boost ni Andrea para makapagsimula ng mga bagong negos­yo para sa mga cons­tituents sa bayan nila.

“I am very passionate about Tourism. We’re Agritourism and we’re at the tip of Batangas, so why not use that strength to somehow put Calatagan in the map,” diin pa ng sexy actress-turned-politician.

Tinutulungan din ni Andrea ang mga bata sa kanilang bayan sa pamamagitan ng kanyang feeding program. Hindi pa man pumapasok sa politics si Andrea ay madalas siyang bumisita sa Calatagan para magdala ng pagkain at mga gamot para sa mga kabataan doon.

“I was able to solicit some help from friends, so I gave away vitamins. I somehow pulled together network of friends who can help out,” ngiti pa niya.

Kapag tinitingnan nga raw ni Andrea ang nakalagay sa kanyang lamesa na “Hon. Andrea Anne V. del Rosario, Municipal Vice Mayor”, iba raw ang pakiramdam niya. Na parang hindi totoo ang lahat.

Heto ang pinost ni Andrea sa kanyang Instagram account:

“I don’t think I’ll ever get used to this…..just weird to be addressed ths way ……anyway,thank you for the trust Calataguenos! #purposefullife #upforthechallenge #godswill #municipalityofcalatagan#calataganbatangas #trabaholang.”

Sa programang Tunay Na Buhay ay kinuwento ng former Viva Hot Babe na ang kanyang yumaong ama ang siyang naging inspirasyon niya kung bakit siya pumasok sa politics.

“It started when my father passed away.

“He’s the one from here and who lived here.

“He’s not in politics, but talagang I grew up hearing his love for this town. Na-absorb ko talaga.”

Hindi pa rin daw tatalikuran ni Andrea ang showbiz kahit na nasa mundo na siya ng politics.

Kabi-kabila pa rin ang guestings niya at ina-adjust ang mga ito sa kanyang hectic schedule.

“Hindi naman ‘to lingid sa kaalaman ng tao that we only get a certain amount or we only get paid a certain amount so si­yempre I need to work somehow.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy