Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Andre timeout muna sa dribol

0 98

PAHINGA muna si Andre Paras sa PBA sa kanyang incoming sophomore year, humingi ang 26-year-old wingman ng leave of absence sa Blackwater para daw mag-focus sa showbiz career.

Sa kanyang rookie year, nag-average ang anak ng nag-iisang PBA Rookie-MVP na si Benjie Paras ng 1.6 points, 2.8 rebounds sa Philippine Cup, iniangat sa 2.8 at 1.7 sa Governors.

“Focus siya sa showbiz kaya wala siya sa lineup,” ani Bossing coach Ariel Vanguardia. Pinagbigyan si Andre, pero hindi pa alam ng team kung hanggang kailan ito mawawala. Hindi siya puwedeng lumipat sa iba bilang free agent dahil nasa Blackwater pa rin ang rights sa kanya.

“Hindi naman namin hindi puwedeng payagan,” dagdag ng coach. “Ayaw naming pigilan siya o paglaruin ng half-hearted.” Noong 2020 draft, 27th pick overall ng Bossing ang 6-foot-4 forward. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.