Una sa Balita

Andre suko sa basketball

Regine hindi nagpaalam sa GMA

0 523

abante-i-know-better-jun-nardoBinitawan na ni Andre Paras ang paglalaro­ ng basketball sa Maharlika Pilipinas Basketball League. Pati pagkakaroon ng lovelife eh wala na ring puwang sa schedules niya ngayon.

“Hindi na ako naglalaro coz of tapings. Of course, ini-enjoy ko naman ang tapings kaya okay lang po. Wala na ring time sa lovelife! Ha! Ha! Ha!” rason ni Andre sa mediacon ng bagong dramedy series ng GMA na Pamilya Roces last Wednesday.

Napanood si Andre bilang segment host ng singing search na The Clash kung saan si Regine Velasquez-Alcasid ang main host. Siyempre, natanong siya kung nalungkot sa pag-alis ni Songbird sa GMA.

“Umalis ba si Regine?” sagot na tanong ni Andre sa kaharap na press. Tinanong din niya ang katabing handler sa GMA Artist Center na si Boss Enteng (del Rosario) sa tanong ng press.

“Hindi naman nagpaalam. Bakit? Never siyang nagpaalam. Never siyang nag-anything (sa last day ng The Clash,” clueless na tugon ng panganay ni Benjie Paras.

Wala siyang naririnig?

“Promise! Wala. First time ko lang magtanong. Never siyang nagpaalam. May Viber group kami. Ang last message niya, kinongratuleyt kaming lahat, mga staff.

“Tapos kumain pa nga kami sa isang restaurant. We treated the Clashers. Ang dami nga namin.

“Wala, walang goodbye! Okay naman kami,” paliwanag ni Andre.

 

Mother Lily may bagong negosyo

 

Nakatutok ngayon si Mother Lily sa pagpapagawa niya ng Sounds Studio & Events Center na pinatatayo sa dati niyang warehouse sa Pinaglabanan St., San Juan.

Nakita na namin ang design ng studio at talaga namang bongga ang design at hi-tech na hi-tech ang equipment dito, huh! Eh si Mother, pagda­ting sa investments niya, hands on talaga siya mula sa simula hanggang sa operations nito kapag naitayo na.

Eh bongga kay Mother, lagi siyang may panahon sa pagtulong sa mga nanga­ngailangan. Just recently, nag-donate siya sa isang charity para sa mga project nito.

Gayunpaman, sinu-supervise pa rin niya ang movies ng Regal lalo na ang ipalalabas na sexy film na Wild & Free nina Derrick Mo­nasterio at Sanya Lopez habang nasa South Korea ang anak na si Roselle (Monteverde).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy