Una sa Balita

Andre Paras naglaro sa UCSAA pre-season

0 280

Nagbalik sa AMA basketball team si Andre Paras pagkatapos magpagaling sa kanyang injury at sa kanyang mga showbiz commitment.

Sa kanyang pagdati­ng, nagpakita agad siya ng dominasyon sa loob at pati pagtira niya ng tres.

Pero hindi sapat ito sa pagbalik niya dahil maganda ang pinakita ng Saint Dominic Savio sa panguguna ng beteranong coach na si Ringo Jimenez na pawang hindi sumuko hangang sa dulo kahit nalamangan na ang AMA ng lampas 10 puntos.

Nagpapasalamat kami at UCSAA sa WCC ATC North Manila Gym at sa mga namumuno nito na sina John Marasigan (WCC Campus Director), Rhayzor Catris (WWC Athletic Director), Carlo Tomacas (WCC Head Coach) pati na rin sa mga UCSAA head na sina Dr. Nestor Dela Cruz (UCSAA President), Harlem Ruiz (PTRP, RPT-UCSAA Executive Director) at siympre sa AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V at President Dr. Amable Aguiluz IX.

Magkakaroon ng 2nd Conference ang PBA D-League sa Hulyo 29 at mayroon nang pitong team na kasali kasama ang AMA Online team sa ikawalong taon na walang patid.

Ang team ngayon ng AMA ay school-based pa rin at walang import ang palalaruin o tinatawag na foreigner.

Naniniwala pa rin ako sa programa ko na dapat unahin ang mga Pinoy players na mabigyan ng chance kaysa mga banyaga na ‘di rin naman makakalaro sa PBA dahil bawal.

So bakit ka pa maglalagay ng import?

Kasi gaya namin na school-based team, marami na kaming natulungang mga player na makapunta sa PBA, na pangarap ng lahat ng Pinoy player.

Naglalaro na ang 13-Under Elite Octagon Team  sa MBT-PBA 13-Under Division at sila ang nauuna 2-0, na ginaganap sa San Juan Gym at AMA University.

Nagpapasalamat kami kay coach Boni Tan at coach RJ Guevarra na nagpapaganda ng liga ng MBT-PBA. Saludo kami sa sipag at tiyaga ng dalawang coach na ito.

Nagsimula na ang aming varsity tryout tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa AMA QC Villa Arca Subdivision sa Project 8 Quezon City 10am ang seniors at 2pm sa juniors.

Binabati ko ang St. Claire College-Caloocan sa kanilang magandang pinapakita sa D-League sa panguguna ng team owner na si Dr. Ernest Jay Adalem, Dr. Ray Adalem at ang kanyang masipag na coach Jino Manansala.

Binabati ko ang aming Ate Mini na nasa Amerika ng maligayang kaarawan at maraming salamat sa patuloy mong pagtulong sa aming pamilya na tatanawin namin habambuhay.

Mahal na mahal ka namin at binabati ko rin ang aking ama na si Lito Herrera ng maligayang kaarawan at patuloy ka bigyan ng Panginoon ng mahabang buhay dahil ikaw ang nagbibigay ins­pirasyon sa akin simula ng ako ay nagsimulang maglaro at hanggang ngayong coach na ako patuloy n’yo pa rin akong ginagbayan ni mama.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy