Una sa Balita

Andre, Paolo, Vaness, Sef dinumog sa Bangus Festival

By
0 239

Ginanap noong April 12 (Biyernes) ang isa sa pinakabongga at nakakatakam na festival sa ating bansa na matatagpuan sa Dagupan City – ang Bangus Festival.

Well, pagtungto pa lang sa lungsod ng Dagupan ay maaamoy mo na talaga ang bangus na inihahanda ng mga Dagupeño.

Tampok sa kanilang kaganapan ang ilan sa Kapuso stars na sina Paolo Contis, Sef Cadayona, Vaness Del Moral at Andre Paras na talaga namang dinagsa ng mga Dagupeño at maski nga dayuhan ay nahumaling sa kanila.

Sa kabila ng tirik na tirik na araw, dedma sa Kapuso stars at tuloy lang sa pagrampa at pagparada ng mga artista.

Sinalubong pa ng mga fan ang mobile na sinasakyan ng Kapuso stars.

Magkakaroon pa nga ng susunod na meet and greet ng mga fan kasama naman ang mga banda – sina JK Labajo, Ben & Ben, Parokya ni Edgar, This Band at marami pang iba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy